CHAPTER 45

242 11 9
                                    

THYLANE'S POV:

'I'm pregnant...'

'I'm pregnant...'

'I'm pregnant...'

I harshly shut my eyes when Lexi's voice echoed in my ear. I pinned both of my hands on the wall under the shower. I can feel every drop of water hitting my body while Lexi's words are filling my brain.

Muli na lamang akong napabuntong-hininga dahil sa labis na panlulumo. Parang bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Parang pinahiram lang sa akin ng sandali ang saya tapos binawi ulit. Sobrang bigat sa pakiramdam ng nalaman ko. Napakabigat dahil wala naman akong pwedeng ibang gawin kung hindi ang tanggapin ang balitang iyon. Hindi ko lang talaga maiwasang masaktan dahil magkaka-anak ang asawa ko...sa iba.

Hindi ko alam kung gaano akong katagal sa loob ng banyo. Sa tingin ko ay mahigit isang oras na akong naroon dahil parang bumabagal ang kilos ko sa sobrang panlulumo.

Ano bang meron sa'kin at hindi ako tinatantanan ng problema? Ano bang akala niyo sa'kin?? Bato?? Tss. Nahihirapan rin ako 'no. Hindi naman ako tanga para i-enjoy ang lahat ng problemang ibinibigay niyo sa'kin. Tss.

Napailing-iling na lamang ako sa sarili matapos sabihin ang mga 'yon sa utak ko. Hindi ko alam kung para kanino talaga 'yon. Gusto kong sabihin na para lamang kay Lexianna ang mga salitang 'yon pero pumapasok sa isip ko ang taong hindi naman pwedeng sisihin..

Ang Diyos..

Hindi ko pwedeng isisi sa kaniya ang mga nangyayari sa akin dahil masyado na siyang naging mabuti sa lahat lalo na sa akin. Sobra-sobra na ang kabutihan niya noong bigyan niya ako ng pangalawang buhay. Napakasama ko na talagang tao kung pati siya ay patatamaan ko sa mga salitang sinabi ko sa isip ko kani-kanina lang.

Tinapos ko na ang pagsusuot ko ng damit bago ako lumabas ng banyo. Sa totoo lang ay kinabahan ako sa isiping makikita ko si Gabriel sa kwarto pero hindi naman ako pwedeng magkulong na lang sa banyo. Alam kong gusto niya akong kausapin dahil kailangan nga naman talaga naming mag-usap. Hindi ko lang maiwasang kabahan dahil alam kong hindi magiging maikli ang magiging usapan naming dalawa lalo na't hindi lang kami ang involve. Hindi lang siya at ako ang nasa usapan kung hindi pati ng batang dinadala ni Lexi.

Hindi ako plastik kaya sasabihin kong hindi ko gusto ang bata. Pero wala naman akong pwedeng gawin kung hindi ang tanggapin. Hindi ko naman pwedeng saktan si Lexi dahil lang sa sinabi niyang si Gabriel ang ama ng bata. Pwedeng may mangyari sa bata kung sasaktan ko ang babaeng 'yon. Hindi naman ako ganoon kasama para gawan ng masama ang pinagbubuntis niya. At isa pa, alam ko kung anong pakiramdam ng isang ina na mawalan ng anak. Hindi ganoon kadali ang ginawa kong pagtanggap sa katotohanang wala na ang anak ko at hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Mas nadagdagan nga lang ang sakit dahil nabuntis ni Gabriel si Lexi.

Tsk! Anong bang dapat kong gawin?!

Hindi nga ako nagkamali dahil pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay nakita ko na si Gabriel na nakaupo sa kama. Nakasubsob ang mukha niya sa parehong palad at nag-angat lang ng tingin ng marinig na lumabas na ako ng banyo. Punung-puno ng emosyon ang mata niya at nababasa ko roon na kinakabahan na siya ngayon. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong iniisip niya na baka magalit ako sa kaniya. Pero mamatay man ako ngayon mismo, hindi ako galit sa kaniya. Hindi ko lang talaga maiwasang makaramdam ng...ganito. Hindi ko alam kung paano kong papangalanan ang emosyong ito.

"Babe.." wala pa man ay parang nagpapaliwanag na ang tono niya matapos niya akong tawagin. "Hindi ko alam...I swear, hindi ko talaga alam ang tungkol do'n." batid kong ang pagbubuntis ni Lexi ang tinutukoy niya.

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon