GABRIEL'S POV:
Kanina pa ako palingun-lingon sa paligid dahil sa kaba. Hindi ako magkandaugaga sa nerbyos at halos manginig na rin ang buong katawan ko. Mas pinakakaba ako ng dami ng tao ngayon sa paligid ko dahil hindi ko makita ro'n si Tala.
Well, hindi ko naman talaga siya makikita ro'n pero kinakabahan pa rin talaga ako.
"Is she ready?" aligagang tanong ko nang lumapit sa akin si Gideon. Sa gilid niya ay si Carter na kanina pa tawa ng tawa.
"Nope.." kinabahan ako lalo nung inilingan ako ni Gideon.
Gusto ko mapapadyak sa inis dahil sa pinaggagagawa namin ngayon dito. Hindi pwedeng wala si Tala dahil hindi mabubuo ang plano kung wala siya o kung hindi niya 'ko sisiputin.
"Hahahahaha!!"
Salubong ang kilay na nilingon ko si Carter nung bigla siyang tumawa ng malakas. Hawak niya ang isang cellphone malapit sa tenga niya at alam ko kung sinong kausap niya ro'n.
"Shut up.." singhal sa kaniya ni Gideon.
"Teka!" palag ni Carter. "Nagkakagulo na sila do'n, e! Ayaw sumama ni Tala, hahahahaha!!!"
"Ha?!" Gideon and I exclaimed.
Problemado kong nilingon si Gideon. "Pa'no 'to??" tanong ko sa kaniya. Sasagot na sana siya nang biglang sumingit si Carter.
"Dami mo kasing alam, e! Kung sinabi mo kay Tala eh 'di sana hindi sila nagra-rush!" pang-aasar ni Carter. Kung pwede lang na batukan ko siya ngayon dito, ginawa ko na. "Oh!" inilapit niya sa akin ang cellphone at ni-loud speaker iyon.
[Sandale!!] napangiwi ako nang marinig ang maingay na sigaw ni Kari sa kabilang linya. ['Wag ka ngang magulo!] iritang sabi nito.
[Sa'n ba kasi tayo pupunta?!!]
Napawi ang lahat ng kaba ko nang marinig ko ang boses ni Tala. Kung kanina ay sobrang kaba ko, ngayon ay gusto ko nang tumawa dahil halatang wala siyang kaide-ideya kung anong nangyayari.
[Hindi pa ba obvious?! Jusko! Manahimik ka nga!] si Kari.
[Ikaw ang manahimik! Ang ingay-ingay mo!] sinigawan naman ni Nia si Kari.
[Aba, loko ka ah-!]
[Sa'n ba kasi tayo pupunta?! Yung anak ko?! Nasaan ba yung anak ko?!] mas malawak na ngayon ang ngiti ko.
Kasama ko kasi ang anak namin pero hindi niya alam na kinuha ko siya at sinama sa pag-alis.
[Pupunta tayo sa anak mo. There's no need to worry, Tala. Gavin is safe.] siguradong si Van ang nagsabi no'n dahil kalmado masyado ang boses niya.
Natawa na lamang ako saka umiling. Natutuwa kasi talaga ako sa mga balak kong gawin ngayon lalo na't walang alam si Thylane.
"Sandali. Yung mga anak ko pala!" bigla ay napako ang paningin ni Carter sa gilid habang isinisilid ang cellphone sa bulsa bago niya nilapitan ang mga anak niya.
"...ano?? Happy ang baby na 'yan? Ha??" ako naman ang napalingon sa gilid ko nang marinig kong mag-baby talk si Gideon.
Saka ako napangiti ng mas malawak nang makitang nilalaro niya ang anak namin ni Tala. Hawak-hawak siya ngayon ni Gabbie at sa tabi niya ay si Nancy na hindi rin matigilan ang kakalaro sa pamangkin.
What a very beautiful view..
"Hello, baby!!" sabi ko saka nilapitan sila para laruin rin ang anak ko. "You okay?? You're not hungry??" I asked my son as if na sasagot siya.
BINABASA MO ANG
Married Twice (Del Fuego series #1)
RandomLove. Pain. Forgiveness. Three words to emphasize what is in a Marriage. A sacred union of two people. Who promised to cherish each other through their ups and downs. But is there's such thing as marriage when there's something that you call 'busi...
