Awake.
THIRD PERSON'S POV:
'Six months later...'
Lumipas ang ilang segundo, minuto at mga oras. Ang mga oras ay naging araw, at ang mga araw ay naging buwan. Sa labis na kasiyahan na nadarama ni Thylane kasama ang kaniyang anak ay hindi niya napansin na unti-unti nang nauubos ang oras niya. Masyado siyang naging kampante sa piling ng kaniyang anak kaya siguro ay nakalimutan na niya ang kasunduan ng matandang babae na nakilala niya noong mga nakaraang buwan.
"Why are you so silent, baby?" tanong niya sa kaniyang anak dahil tila ba ito ay masyadong tahimik at mukhang maungkot. "Are you hungry?" tanong niya muli ngunit nanatili ang malungkot na mukha ng bata. "Hey..." aniya saka dahan-dahang kinarga ang kaniyang anak.
Nang mabuhat niya ang kaniyang anak ay inakala niyang magiging maayos ang hitsura nito ngunit nagkamali siya. Nakapirmi lamang ang maliliit nitong mga kamay sa mga buto sa ibabaw ng kaniyang dibdib at nakatingin lamang sa kaniya habang ang mga labi nito ay maliit na nakanguso.
"Anak, what's wrong?" aniya ngunit hindi pa'rin nagbibigay ng reaksyon ang bata. "Ahh, alam ko na. Let's go outside na lang and play, okay?" nakangiting aniya saka isinama ang anak sa paglabas ng bahay.
Nang mailabas ang anak ay inilibot niya ang paningin dahil parang nagbago ang lugar. Maliwanag naman ang labas ngunit parang napaka-lungkot ng lugar. Para bang may mga bagay na nawawala. Parang maraming bagay ang kulang. Ngunit ang nakaagaw ng atensyon niya ay ang crib sa gitna ng lugar. Kamukha iyon ng crib na pinagkuhanan niya sa kaniyang anak noong araw na makapunta siya rito. Agad na nag-iba ang pakiramdam niya at parang lumamig ang buong lugar. Iba ang pakiramdam niya nang makita ang crib na iyon na nasa parehong pwesto simula nang kuhanin niya ang anak niya roon.
Marahan niyang inihakbang ang parehong mga paa papalapit sa crib upang tignan iyon ng malapitan. Habang naglalakad siya ay parang ang bigat-bigat ng damdamin niya. Parang may mali sa ginagaw niya. Nang tuluyan nang makalapit ay doon niya nakita ang isang kulay pink na paro-paro na nakadapo sa ibabaw ng crib na iyon. Doon na tuluyang kumabog ng malakas at tumibok ng sobrang bilis ang puso niya.
"Nagkita tayong muli, Tala."
Agad siyang napalingon nang marinig ang pamilyar boses ng matandang babae. Tulad ng una nilang pagkikita ay ganoon pa'rin ang kaniyang hitsura. Ang mahabang itim na aabot hanggang sa ankle ay suot pa'rin nito. Ang purong itim na buhok nito ay nakatali pa'rin ng pabilog. At ang maawtoridad nitong mukha ay ganoon pa'rin ang epekto sa kaniya. Ang seryoso niyang mukha na nakakapagpakaba kay Thylane.
"A-ano pong g-ginagawa niyo rito?" magalang na tanong ni Tala na may bahid ng kaba. Pilit niya pinipigilan ang pag-utal ngunit hindi niya magawa. "M-may kailangan ho ba kayo?" tanong pa nito.
Napabuntong-hininga na lamang ang matanda. "Tila nalilimutan mo ang usapan nating dalawa Tala." anang matanda kay nagsalubong ng kaunti ang kilay niya.
"A-anong usapan ho?" takang tanong nito.
"Hindi ba't sinabi ko sa iyo na bibigyan lamang kita ng anim na buwan upang makasama ang anak mo?"
Thylane's heartbeat stopped when she realized what the old woman said. Tears slowly filled her eyes and she felt her heart clenched. She can't speak because of the lump she feels inside her neck. Her nose started to get clogged and slowly...her world fell apart. She already forgot about the pain. But here it is again, embracing her heart and her whole body. Tala tightened the hold on her baby when her tears streamed down. She is not ready for this. She doesn't want to lose her baby. But she already did. She already lost her baby.
BINABASA MO ANG
Married Twice (Del Fuego series #1)
RandomLove. Pain. Forgiveness. Three words to emphasize what is in a Marriage. A sacred union of two people. Who promised to cherish each other through their ups and downs. But is there's such thing as marriage when there's something that you call 'busi...
