THYLANE'S POV:
"Mahal kita.."
Matapos kong sabihin 'yon ay hindi ako nakatanggap ng tugon mula kay Gabriel. Ngunit imbes na mainis ay natuwa ako dahil inaasahan ko nang magiging gano'n ang reaksyon niya. Alam ko nang magugulat siya.
"Stop saying sorry...it's alright. Ginusto kong mangyari 'to." sinserong usal ko habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi pa rin niya nagawang tumugon.
Munit agad akong naalarma nang makita kong namula ang kaniyang ilong at ang paligid ng kaniyang mga mata. Nagsimulang pangiliran ng luha ang mga mata niya. Ang mga labi niya ay kumikibot na animong may gustong sabihin.
"I-I don't understand.." nauutal na bulong niya at gumagaralgal ang boses.
I sighed and placed my hand beside me. I smiled a bit before I looked away. "Me too...kahit ako ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko." umiiling na sabi ko. "Ilang ulit kong sinabi sa sarili kong hindi na kita babalikan pero...heto ako...sa'yo pa rin ang bagsak ko." kunwaring natatawang ani ko. Nang hindi makatanggap ng tugon ay nilingon ko siyang muli.
"B-but Tala..." hindi niqya alam ang sasabihin at napa-iling na lang saka napayuko. "I don't deserve your love." he whispered but I heard it very clear. I felt a sting inside my chest, again. "You don't deserve someone like me." he ift his chin up and looked straight into my eyes. "I've hurt you, Tala...I've hurt you for so many times." aniya na patang ipinaiintindi sa akin na ang lalaking gaya niya ay hindi dapat na mahalin.
"I know and I understand that...all of that, Gabriel." sinabi ko rin iyon sa paraan na gustong magpaintindi.
Muli na namang kumunot ang noo niya na para bang nalilito. Ayun na naman iyong hitsura niya na naguguluhan. Iyong tipong hindi malaman kung sasang-ayon ba o hindi.
"Why..?" malumanay na tanong niya. Naghahanap ng sagot ang mga mata niya. "Why are you doing this?" naguguluhang tanong niya.
"Because I love you." sagot ko at muli siyang natigilan.
Iyon lang naman talaga ang rason ko. Hindi ko na kailangan pa ng milyun-milyong dahilan para balikan siya. Isang rason lang ang kailangan ko para 'wag siyang pakawalan. Iyon ay dahil mahal ko siya. Iyon lang at wala ng iba pa.
"Bakit?" tanong niyang muli. "Tala, ilang beses kitang sinaktan...ilang ulit kitang kitang pinaasa...ilang ulit akong nangako sa'yo pero wala akong natupad ni isa sa mga 'yon."
"Pero kaya kong tuparin ang mga salitang binitawan ko sa'yo noon." sabi ko at natitigilan naman siyang tumingin sa akin. "I promised to stay with you through your ups and downs...through sickness and in health.." my eyes watered when I am repeating my vow. "For richer...for poorer..." my voice almost broke when I saw his tears streaming down to his cheeks. "I promise to love you forever...'til my lungs gave out...'til I lose all my breath...'til the day I die.." I smiled and blinked a lot of times to stop my tears from falling. "That's what I promised, Gabriel. No matter how hard it is to be with you, I'll choose to stay...no matter how much it hurts...I'll never leave. Because I love you."
"I don't deserve your love, Tala...you don't deserve someone like me. Ilang beses kitang sinaktan.." lumuluhang aniya habang nakayuko.
"And this is not about that.." I lift my hand and touched his cheek. "Hindi kita pinakasalan para bilangin ang mga kamalian mo...hindi kita pinakasalan para isumbat lahat ng pananakit mo...pinakasalan kita kasi mahal kita. Iyon ang importante sa'kin, Gabriel. Ang iparamdam sa'yo kung gaano kitang kamahal at para maramdaman ang pagmamahal mo. Oo, nasaktan mo 'ko. Sa lahat ng tao ay ikaw ang pinaka may kakayahan na saktan ako...pero naiintindihan ko dahil parte ng pagmamahal 'yon. Oo, nasasaktan ako sa tuwing nandiyan ka. Pero nung oras na mawalay ako sa'yo...'yon na ang pinakamahirap sa lahat." mahabang ani ko at nanatili naman siyang nakikinig. "Iba yung sakit nung oras na mawala ka..." muling namasa ang mga mata ko pero pilit kong nilabanan ang emosyon na iyon. "Nawala na sa'kin ang anak natin...hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay hahayaan kong mawala."
BINABASA MO ANG
Married Twice (Del Fuego series #1)
RandomLove. Pain. Forgiveness. Three words to emphasize what is in a Marriage. A sacred union of two people. Who promised to cherish each other through their ups and downs. But is there's such thing as marriage when there's something that you call 'busi...
