CHAPTER 41

252 14 7
                                    

THYLANE'S POV:

"I love you, Tala.." bulong niya at nanlaki naman ang mata ko!

Nagtuloy naman siya sa paglapit habang ako ay hindi na nakagalaw pa! Hinihintay ko na lang ang susunod na mangyayari nang nasasaktan habang nakatingin kay...

Gabriel..

Malungkot siyang nakatingin sa akin at kay Gideon. Hindi ko alam kung bakit parang ang bagal ng oras ngayon. Wala akong ibang makita kung hindi siya...kung hindi si Gabriel. At wala akong maramdaman kung hindi ang sakit. Ang sakit na hanggang ngayon ay nasa akin pa rin.

Nanatili kaming ganoon at nararamdaman ko na ang hininga ni Gideon nung...marahan siyang tumalikid at handa ng umalis kaya naman...

Napasinghap si Gideon kasabay ng gulat matapos kong ilayo siya sa akin nang hindi iniaalis ang paningin kay Gabriel na nakatalikod na at parang mabigat ang katawan na naglalakad palayo. At nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay doon ko naramdaman ang kakaibang pagod sa katawan ko. Bumigat ang pakiramdam ko at parang gusto kong bumagsak dahil sa kakaibang bigat sa dibdib ko. Nanghihina ang tuhod ko pero hindi ko alam kung paano pa akong nanatiling nakatayo.

Napayuko na lang rin ako at pilit na inialis ang sakit na naramdaman ko. Hindi naman ako nabigo pero nung yumuko ako ay pagkailang at inis naman ang mararamdaman ko.

Nakita ko ang sapatos ni Gideon..

Naiilang ako dahil sa ginawa niya at naiinis ako dahil sa ginawa niyang pagtangkang paghalik sa akin! Hindi niya dapat ginawa 'yon! At mas lalong hindi dapat nakita ni...tsk!

What was that for??!!

Salubong ang kilay na nag-angat ako ng tingin kay Gideon at nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa sama ng tingin ko. Agad siyang nag-iwas ng tingin at binasa ang sariling labi saka tumikhim. Hindi ko pa rin inalis ang tingin na 'yon sa kaniya.

"U-uhm.."

"Oh, Tala.." hindi naituloy ni Gideon ang sasabihin ng may magsalita. Sabay kaming napalingon at nakita si sister Glory.

Agad ko namang inialis ang masamang tingin ko at pilit na ngumiti sa kaniya. "Sister.." sabi ko at gumanti naman siya ng ngiti.

"Hindi ko alam na dadalaw kayo rito..." maayos na sabi ni sister pero...mukhang may problema siya.

"A-ahh...biglaan ho kasi." pagsisinungaling ko na sumulyap pa kay Gideon. Napatingin rin naman siya sa akin ngunit agad na iniwas ang paningin. Tinanguan niya naman ako. "U-uhmm, n-nabanggit po sa'kin na umalis raw po kayo ng mga bata." sinubukan kong kausapin si sister pero...parang may mali talaga e.

Pilit na ngumiti sa akin si sister at muling tumango. "Oo...kararating lang namin." aniya habang pilit pa rin ang ngiti.

Aaminin kong nakakailang ang mga kilos na ganon ni sister. Hindi kaya...

Hindi kaya may nakita siya??

Kinabahan ako dahil posibleng nakita niya kaming dalawa ni Gideon sa ganoong posisyon kanina. Ang sabi niya ay kararating lang niya pero baka kanina pa sila nandidito at hindi lang namin napansin.

"A-ahh.." tumatangong ani ko at saka muling lumunok. "S-si...Sunny ho? Nandyan ho ba siya?" sinubukan kong ibaling sa ibang usapan at nakatulong naman 'yon kahit papaano.

"Mm...kasama siya ni Marites. Dinala niya sa kwarto dahil natutulog na si Sunny." sagot ni sister. Napatango na lamang ako dahil sa kakaibang pakikitungo ni sister. "Gusto mo ba siyang silipin?" Napa-angat ulit ang tingin ko sa kaniya at agad namang natuwa ang puso ko.

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon