CHAPTER 37

230 14 8
                                    

THYLANE'S POV:

~Dreams~

"M-momma..."

Talia...my daughter...

Her voice broke my heart when I saw that she's about to cry. It hurts me a lot to see my daughter like that.

"H-hindi ba pwedeng manatili ako rito?" I cried. "K-kahit isang araw pa...p-pakiusap...ayokong iwan ang anak ko..."

"Hindi maaari, Tala. Kailangan ng sumama ng iyong anak sa mundo ng mga yumao. At kailangan mo na'ring bumalik sa tunay na mundo mo."

"Ayoko na pong bumalik..." kung pwede lang. "Ayoko na hong bumalik pa do'n. Sasama na lang ho ako sa inyo."

"Hindi maaaring mangyari 'yon, Tala. Ang katawan mo ay nabubuhay pa at ang iyong anak ay hindi na. Hindi ka man lumabas ng pintuang iyan ay hindi rin kita maaaring isama sa mundo ng mga yumao. May dapat ka pang gawin, Thylane. Kailangan mong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak mo. Iyon ang isipin mo, Tala. Kailangan mong mabuhay."

I saw myself walking towards a huge door while walking away from my daughter. Tears never stop and I could still feel the pain even if I'm asleep. My daughter cried while looking at me from afar.

Dahil sa kanila...nawala ang anak ko.

Dahil sa kaniya...nasira ang buhay ko.

~~~

"Ano bang problema mo!?" that was Gabriel. "Ano na naman bang ginawa ko!?"

"Lexiana Natasha Bruke." I replied.

"What about her!?"

"Hindi mo ba talaga alam? O wala ka lang talagang pakealam?"

"A-ano bang pinagsasasabi mo!?"

"'Wag kang magmaang-maangan dahil alam ko lahat ng ginagawa mo." I coldly said. "Ano bang mali sa'kin? May kulang ba? May mali ba? May...may ayaw ka ba sa'kin? May sobra ba? Bakit hindi mo ko magawang mahalin? Bakit? Ano'ng bang problema?"

"Mahirap ba kong mahalin? Sabihin mo sa'kin...mahirap ba kong mahalin? Sabihin mo. Ano bang meron sa babae'ng 'yon na wala ako? Ikaw lang naman ang meron siya na kahit kailan ay hindi ko makukuha...bakit hindi mo ko magawang mahalin?" para akong desperada nung tinanong ko 'yon. "Bakit sa dinami-dami ng lalaki ay ikaw ang minahal ko? Bakit ikaw pa na hindi naman kayang ibigay 'yon!? Putangina!"

"Sa loob ng limang taon! Sa loob ng limang taon ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal mo! Sa loob ng limang taon ay wala kang ginawa kung hindi ang saktan ako! Sa loob ng limang taon—nandoon ako sa kama ko—tahimik na umiiyak! Sa loob ng limang taon, wala akong ibang ginawa kung hindi tanungin ang sarili ko kung bakit, pero putang ina! Putang ina, ako 'tong gaga na umaasa na mamahalin mo pa rin ako! Ang tanga-tanga ko! Ang tanga ko! ANG TANGA-TANGA KO!"

~~~

"And I'll make sure that you'll experience hell in your life." walang pusong ani Gabriel.

"I already experienced hell when I married you, fucker." I answered.

"So as I've said—mamamatay ka na man na, kaya I'll give you the chance to talk to my baby." then that was Lexi who's lingering her hand at that devil's arm. "Ikaw na muna ang bahala sa kaniya." 

I could till feel the pain when they tied my hands and tortured me...na walang kalaban-laban. Tiniis ko 'yon dahil hindi ako pwedeng mamatay noon.... Kailangang mabuhay kami nina Nancy pati na rin ng anak ko.

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon