CHAPTER 28

227 10 0
                                    

THYLANE'S POV:

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa nagugulat na si Gabriel. Para siyang nakakita ng multo matapos ko siyang hawakan sa braso. "Gabriel!" mas malakas na tawag ko at parang natauhan siya.

"T-tala..."

"Okay ka lang? Namumutla ka, e...may masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ko.

"W-wala, ayos lang ako."

"Hindi ka na dapat lumabas ng kwarto mo. Dapat nagpapahinga ka na ngayon."

"Kakagising ko lang kasi kanina tapos...wala ka pa sa kwarto ko kaya..." binitin niya ang sariling sasabihin. "L-lumabas ako para hanapin ka." medyo nakangusong aniya kaya naitikom ko ang sariling bibig.

He's cute...

"Sabi ko, babalikan kita hindi ba?" tanong ko saka pasimpleng kinagat ang pang-ibaba'ng labi ko para pigilan ang pag-ngiti.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nung nalaman ko na hinahanap niya ako matapos niyang gumising. Nakakatuwa lang.

"Yeah...sinabi mo rin na babalik ka agad. Kaya ang inakala ko ay paggising ko, nandoon ka na." mas humaba ang nguso niya dahilan para matawa ako ng tahimik. Hindi siya nakatingin sa akin kaya hindi niya rin napansin.

"Pasensya na kung gano'n. Hindi ako nakabalik agad kasi may mga pasyente pa ako'ng iba."

"It's okay. That's your job. Saka...hindi mo naman kailangan mag-explain." pahina ng pahina ang boses na tugon niya.

*KRUUU!*KRUUU!*

*Author's Note: Tunog ng sikmura 'yan...hehe. d^_^b*

Gulat kaming nagkatinginan sa isa't isa saka sabay na nagbaba ng tingin sa tiyan niya. Hindi ko maiwasan ang kaunting pagsasalubong ng aking kilay dahil nakalimutan kong pakainin ang pasyente ko.

d>>_<<b

Tsk! Stupid, Tala!

"Paniguradong gutom ka na...halika na. Ihahatid na kita sa kwarto mo, dadalhin ko ang pagkain mo." anyaya ko saka ko siya inalalayan at hinawakan sa braso habang naglalakad.

Nangibabaw ang katahimikan sa aming dalawa habang tinatahak ang malamig na pasilyo papunta sa kwarto niya. Tahimik ako at diretso na naglalakad dahil wala naman akong kailangan sabihin sa kaniya. Palihim ko siyang nilingon at nakita kong tikom ang mga labi niya at mukhang nangangapa ng sasabihin. Sa ganoong hitsura niya ay parang may malalim siyang iniisip.

"May problema ba?" tanong ko dahilan para mailipat niya sa akin ang paningin.

"H-ha? N-nothing..." umiiling na aniya pero batid kong nagsisinungaling siya.

"Hindi 'yon ang nakikita ko sa mga mata mo." pama-mrangka ko dahilan para magulat siya. Napahinto kami sa paglalakad saka ako humarap sa kaniya at tumingin ng deretso sa mga mata niya. "Pansin ko lang, ah? Medyo wirdo ka..." sabi ko at hindi naman siya nakasagot. "Noong una tayong nagkita ay ganoon na talaga ang tingin ko sa'yo...naguguluhan ako sa'yo at hindi kita maintindihan...mula sa pagsugod sa'yo ni Gabbie at Gideon hanggang sa mga sumunod na nangyari, ginugulo ang isip ko. Ang wirdo mo'ng tao, alam mo ba 'yon?" hindi ko alam kung saan ako kumuha ng kapal ng mukha para sabihin sa kaniya 'yon.

Gusto ko'ng pitikin ang sarili ko'ng noo matapos ko siya'ng kausapin ng gano'n. Kamakailan lang noong una ko siya'ng makilala pero kung makapagsalita ako ay para'ng matagal ko na siya'ng kakilala. Hindi tama na sabihan ko siya ng gano'n at maging prangka lalo na't hindi ko naman siya gaanong kakilala! At gusto ko'ng mahiya sa kaniya nang magbaba siya ng tingin!

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon