CHAPTER 32

206 11 4
                                    

I love you.

THYLANE'S POV:

One week later....

Isang linggo na ako'ng hindi umuuwi. Isang linggo na rin ako'ng nanaginip ng gising at kung anu-ano ang nakikita ko. Kung anu-ano ang nagpapakita sa utak ko pero hindi ko naman maalala.

'You have 114 missed calls and unopened messages...'

Paalala ng cellphone ko ngunit hindi ako nag-atubili'ng tignan kung ano ang laman ng mga messages na 'yon. Hindi ko rin sinasagot ang tawag nila. Hindi naman na ako galit. Kailangan ko lang talaga'ng bigyan ang sarili ko nh oras para makapag-isip. Baka sakali rin kasi na makaalala ako kapag wala sila.

'One message received...'

From Brenton:

Tala, please umuwi ka na....nag-aalala na ako sa'yo...please come home, princess. I'm begging you...
4:37 p.m.

'One message received...'

From Gideon:

Tala, where are you? Tell me, please. I'll pick you up...
4:37 p.m.

'Two messages received....'

From Vannesa:

Tala, please, umuwi ka na....nag-aalala na kami'ng lahat sa'yo...'wag ka nang magtampo, please...Tala, umuwi ka na.
4:37 p.m.

I'm sorry kung nagalit ka, Tala....pero sana bumalik ka na kasi nag-aalala na kami, e....uwi ka na, Tala.
4:39 p.m.

Iilan lamang iyan sa mga text messages na binuksan ko. Isang linggo na kasi ang nakakaraan nung huli kami'ng nagkita-kita. Iyon 'yong araw na nagalit ako sa kanila'ng lahat. Mabuti na nga lang at may nakita ako'mg card sa kotse ko at nakapag-widro ako ng pera. Nakacheck-in ako sa isang hotel at dito pansamantala'ng tumutuloy. Wala pa ako'ng balak na umuwi kahit na sandamakmak na text at tawag na ang natatanggap ko.

Napakarami'ng texts at tawag ang natanggap ko ngunit ni isa ay wala ako'ng ni-reply-an. Sunud-sunod na pagtunog ang ginawa ng cellphone ko. Sigurado ako na iisang tao na lang ang nagte-text sa akin. Padabog ko iyong kinuha at binuksan ngunit nagkamali nang isipin na kilala'ng tao ko lang rin ang nag-text.

'Unknown number...'

From 0951*****11:

Mag-enjoy ka lang sa ngayon, Thylane....hindi rin naman magtatagal at mapapatay kita!
4:42 p.m.

Nanlaki ang pareho ko'ng mga mata nang matanggap ang mensahe'ng 'yon. Himdi iyon ang unang beses na nakatanggap ako no'n. Pagkatapos ko'ng magpunta sa highlands noong Miyerkules ay nakatanggap ako ng mensahe. Iba man ang numero'ng gamit at nasisiguro ko'ng pareho'ng tao lang ang may gamit no'n. Paiba-iba ang number ng kung sinoman ang nagte-text sa akin. Puro pagbabanta ang natatanggap ko. Kinabahan ako, oo, pero hindi ako natatakot. Wala ako'ng nararamdaman na takot sa kanila kahit kaunti. Iniisip ko kasi na may kinalaman ang mga 'to sa mga nangyari noong nakaraan at mga nangyari sa akin bago ako magka-amnesia.

Agad ako'ng nagtipa sa cellphone at nag-reply.

'Compose message...'

To 0951*****11:

Sino 'to?
4:43 p.m.

Tanong ko sa mensahe saka nag-send sa kaniya. Wala'ng emosyon ang mukha ko habang inaabangan ang magiging sagot niya. Nang makapag-reply siya ay agad ko iyong binasa.

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon