Chapter 17: Early

7.1K 122 4
                                    

-Camie's POV- 

Kinabukasan, nag-prepare na ako para sa pagpasok ko ulit sa University. Alam niyo ba kung anong oras na? five o' clock. Five o' clock IN THE MORNING!

Oo, hindi na ako nag-attempt na matulog pa. Wala na akong magagawa dahil kahit anong gawin ko, hindi talaga ako dinalaw ng antok buong gabi.

Mukhang busy yata o kaya may appointment siya kaya hindi nakadalaw sa akin kagabi.

Ayan, katatapos kong maligo. Isinuot ko na ang dress ko at nag-ayos-ayos na rin ako ng sarili ko. Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako.

Pagbaba ko naman, nakita ko ang mga katulong namin na naglilinis. Nang napansin nila akong bumababa ng hagdan, tumigil sila sa paglilinis.

"Good morning po Ma'am Camie." - Yaya 1.

"Good morning din po Yaya. Bakit po parang ang aga niyo naman yatang maglinis?"

"Ai, hende pu Ma'am. Ganeto pu talaga kameng uras naglelenes." - Yaya 2.

Oo nga pala. Ang aga ko nga palang nagising ngayon. Ai wait, hindi nga pala ako nagising dahil buong gabing nakadilat ang mga mata ko.

 Hindi talaga ako pinatulog ng worst ever nightmare na yun! Feeling ko, it will haunt me forever! Pero ano pa bang magagawa ko? Eh pumayag na ako eh!

"Ma'am Camie, bakit po ba ang aga niyong nagising? Hindi naman po ganitong oras ang paggising niyo diba?" - Yaya 3.

"Ah...ehh...n-naalimpungatan po ako 'Ya. Ayun, hindi na ako makatulog ulit. Kaya bumangon na akong tuluyan."

"Ah, ganun po ba ma'am." - Yaya 1.

Ooookaaaay?! Did I just lie?! Even if it's just a "little white lie", it's still a LIE! OMG!

Ayokong maging liar! Kasalanan ito ng bwisit na fake enggagement na yan eh! Kung hindi sana ako su-...Oh wait. It's a series of events nga pala. 

Simulan natin sa pinag-ugatan ng lahat, shall we?! 

Una, nagtetext ako sa daan kaya nakabangga ko si Luke. At dahil sa banggaan namin, tumapon yung ID ko. Nagkasagutan pa kami at hindi man lang niya ako tinulungan. Yun na yata ang pinakapangit na first meeting namin. 

Dahil nadiscover kong nawawala ang ID ko, sinubukan kong hanapin ang ID ko at nagpatulong pa ako sa friends ko.

Todo effort kami noon sa paghahanap at hinanap pa talaga namin yung ID ko sa Registrar's office. Nung wala sa Registrar's office, hinanap na namin sa palibot ng College of Communication.

Susuko na sana kami sa paghahanap kaso bigla na lang may nagsabi ng "Ito bang hinahanap niyo?" at pagtingin namin, si Luke pala at hawak-hawak pa ang ID ko. 

 Nang nakuha ko na ang ID ko, akala ko giginhawa na ulit ang buhay ko. Kaso ayun na naman pala ako sa maling akala ko. 

Maraming naging mga consequences ang pagkawala at pagkabalik ng ID ko. Napilitan akong gawin ang mga bagay na ayaw kong gawin.

At ang pinakamalala sa lahat, napilitan akong ipasok ang sarili ko sa isang sitwasyon na kahit kailan ay hindi ko ginustong gawin. Ngayon, nasa isang sitwasyon akong puno ng lihim at kasinungalingan.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko kailangang magpanggap. Higit sa lahat, hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa parents ko.

Paniguradong mabibigla sila pag nalaman nila ito dahil una sa lahat, agad na lang nangyari sa akin ito. Agad na lang akong napapayag sa isang fake engagement.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon