-Camie's POV-
Ang ganda ng gising ko! Hihi :) Ang ganda rin ng araw! Nakaka-excite lang kasi ang araw na ito. Akalain niyo yun? Parang kailan lang nung naging kami ni Luke, tapos ngayon, 1 month na nga pala kami. :)
December 8 ngayon at oo, first monthsary namin kaya excited na rin ako :) Ano naman kaya ang gift ni Luke sa akin? Meron na rin kasi akong ibibigay sa kanya eh. :)
Bumangon na ako sa higaan ko at dumiretso na rin ako sa comfort room para makapag-ayos. Pagkatapos ko namang mag-ayos, umupo muna ulit ako sa gilid ng bed ko.
Alam niyo kasi, tuwing umaga...
"Good morning banana babe!" - Luke.
...pumapasok si Luke dito sa kuwarto ko na may dalang tray ng breakfast. Haha :) Ayan tuloy, nasanay na rin ako sa breakfast in bed! Hihi :)
Hindi ko akalaing magiging ganito ka-sweet itong lalaking ito sa akin. Naalala niyo pa ba noon? Ang sungit niya at kadalasang seryoso, diba? Haha :)
Ngayon, hindi na siya yung dating masungit at sobrang seryosong Luke. Tignan niyo naman. Ang sweet niya na oh. Dinadalahan na rin ako ng breakfast dito sa kuwarto ko. Haha :)
At hindi lang yun! Pansin niyo yung tinawag niya sa akin a while ago? Yung term of endearment niya sa akin? Ang weird at ang corny noh? "Banana babe". Haha :P
Pero nasanay na rin naman ako sa ka-cornyhan nitong si Luke. And I think it's really cute. :)
Syempre, kung may term of endearment siya sa akin, dapat meron din ako sa kanya. At dahil gumana rin ang ka-cornyhan ko noong nag-iisip kami ng terms of endearment namin...
"Good morning din monkey babe!"
Ang weird at ang corny rin diba? Hahaha! :) Sorry naman! Wala na kasi akong maisip na ibang itatawag sa kanya eh. Tsaka bagay naman ah.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Dla nastolatkówSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?