-Josh's POV-
Sinasabi ko na nga ba't paparazzi na naman yung nakita ko kahapon eh! Nakakainis! They're really sneaky! Walang ka-privacy-privacy ang ganitong buhay!
Hindi ko naman inexpect na pati si Camie madadamay eh. Napagkamalan pa siyang girlfriend ko dahil lang magkasama kami kahapon.
Kung pwede lang sanang totohanin na lang yun eh.
Kamusta na kaya siya? Iniwan ko siya kahapon nang dahil lang sa nalaman ko ang tungkol sa pekeng relasyon nila ng Luke na yun.
Ugh! I'm such an idiot! Hindi ko dapat siya iniwan kahapon! Hindi dapat ako nagpadala sa mga nararamdaman ko! Inintindi ko na lang dapat ang explanation niya!
Nagulat na lang ako nang biglang bumukas yung pinto ng condo ko. Teka, ang alam ko ni-lock ko yun kanina pagpasok ko ah?
Wala rin naman akong ibang pinagbigyan ng spare keycards nitong condo unit ko kundi sila...
Sandali...wag nilang sabihing nandito na rin sila?!
Pumunta na ako sa may pinto para tignan kung sino ang nagbukas nito. Pagtingin ko, tama nga ang hinala ko.
"Guys! Ha-ha-ha. A-Anong ginagawa niyo dito?"
Napaghahalataan ako nito eh. Napaka-unnatural kasi ng tawa ko at halatang pilit lang.
Hindi nila ako sinagot at nagdire-diretso lang silang umupo sa couch. Pagka-upo naman nila sa couch, tinignan nila ako ng seryoso.
Tinatanong niyo ba kung sino sila? Mga katulad ko rin silang male Fil-Korean Models. Ang pinagkaiba ko lang sa kanila, nagkaroon ako ng lahing Korean dahil sa mommy ko. Samantalang sila, nagkaroon sila ng mga lahing Korean dahil sa mga daddy nila.
Pare-pareho kaming half-Korean, half-Filipino models. Nung nagmomodel pa lang kami tapos nagkakilala kaming apat, nalaman naming pare-pareho lang kami. Take note! Ang gagaling din nilang magtagalog!
Dahil sa iisa lang din naman ang interest namin (which is modeling) at pare-pareho kaming lahi, bumuo kami ng sarili naming grupo. PFB ang acronym ng grupo namin.
Anong ibig sabihin ng PFB kanyo? P is for Pretty. F is for Flower. B is for Boys. Sa makatuwid, Pretty Flower Boys ang pangalan ng grupo namin.
Oo, alam kong lame at weird yung pangalan ng grupo namin. Wala na rin naman akong magagawa doon. Gusto nila yun eh. Naki-sang-ayon na lang din ako.
Hindi nagtagal, nakilala ang grupo namin. Halos buong Korea kilala na ang grupo namin. Dahil nga sumikat na ang grupo namin, marami nang mga agencies at corporations ang kumukuha sa amin para mag-model sa mga products nila.
Nang medyo naka-ipon-ipon na rin kami (oo, ipon talaga ang term kahit sa totoo eh hakot talaga), napagdesisyunan naming gumawa ng sarili naming corporation.
Dahil wala na rin naman kaming maisip na pangalan ng corporation namin, ginamit na lang din namin ang pangalan ng grupo namin. Pretty Flower Boys Corporation.
Bakit corporation? Kasi may kanya-kanya na rin naman kaming business nitong mga ugok na ito. May kanya-kanya kaming shopping malls, clothing lines at modeling agencies. Naisip naming ipag-merge na lang din para magkaroon ng isang corporation.
Sige, dinaldal ko na ang lahat ng tungkol sa amin pero hindi ko pa talaga sinabi ang mga pangalan nitong tatlong ito.
"Oi Joshua Drake Ryu Villafuerte na Josh for short! Ano na naman bang mga kalokohan ang pinaggagagawa mo?!" - Redge.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Teen FictionSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?