-Camie's POV-
"Camie? Camie? Hey."
Bigla na lang akong napadilat nang naramdaman kong may tumatapik sa braso ko at nang nakarinig ako ng boses.
Pagtingin ko, si Josh pala. Nakahiga ako at nakaupo naman siya sa side ng bed. He looks worried.
"Josh? A-Anong nangyari?"
"I think you were having a nightmare." - Josh.
"Nightmare?"
"It's daytime, but let's put it that way. Wala namang word na daymare diba? Haha." - Josh.
Ano kayang nangyari? Wala akong maalala sa napanaginipan ko. May sinabi kaya ako? Narinig kaya ni Josh?
Bumangon ako at umupo sa bed habang nakaharap sa kanya. I think, he deserves an explanation kung bakit ganun ako kaninang nagkita kami bago ako pumasok dito sa kuwarto ko.
"Listen. Tungkol doon sa nangyari kanina..."
"There's no need to apologize. Kung anuman yun, naiintindihan ko. Let's just forget about it." - Josh.
"I'm sorry."
"I told you, there's no need to apologize. Now, go get ready. Hinihintay ka na ng mga tao sa fashion event for tonight. You need to be there early. Susunod na lang ako as soon as I can. Magpeprepare na lang din muna ako doon sa room ko." - Josh.
"Okay. See you later."
Lumabas na si Josh at sinara na niya ang pinto ng room ko paglabas niya. Pumunta na ako sa bathroom para makapag-freshen up.
Pagkatapos kong maligo, nag-start na akong mag-prepare at nagbihis na lang din muna ako ng simple dress at shoes dahil yung staff sa wardrobe ang mag-aassign ng isusuot namin.
At dahil sila na rin ang bahalang mag-makeup sa amin, sinuot ko na lang muna ang heavily tinted sunglasses ko.
Pagkatapos kong mag-prepare at gawin lahat ng dapat kong gawin, lumabas na ako ng room ko, ni-lock ko na muna ito, at naglakad na ako papunta sa venue.
Pagdating ko sa backstage, tinawag na nila ako sa upuan sa harap ng mirror at sinimulan na nila akong ayusan. Dalawang staff ang nag-attend sa akin. Isang makeup artist at isang hair stylist.
After a few minutes, dumating na rin si Yannie. Habang inaayusan kaming lahat, may staff din na nagsasalita para i-brief kami sa mga gagawin namin.
Tatlo pala yung categories sa fashion night na ito kaya tatlong beses din kaming maglalakad sa catwalk. Dahil "guest models" kami ni Yannie, laging kami yung huling mag-aappear sa bawat category.
Pagkatapos kaming ayusan, binihisan na kami nung mga isusuot namin for the first category. Ilang sandali lang, nagsalita na ang emcees kaya pina-lign up na yung mga mauunang models.
"Ready for this?" - Yannie.
"Yep. A little nervous though. Haha."
"Just have fun! Haha!" - Yannie.
Kitang-kita kay Yannie na masaya nga siya ngayon dahil sa fashion event na ito. Kahit papaano, naiisip ko rin na tama rin pala ang naging desisyon kong pumayag na mag-"guest models" kami dito.
Pero sa totoo lang, kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung normal na kaba lang ito o kinakabahan lang talaga ako sa kung ano o kung sino ang pwede kong makita paglakad ko.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Novela JuvenilSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?