-Camie's POV-
"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?! "
Tama ba ang mga narinig kong sinabi ng mga kaibigan ko?! S-siya yung anak ng may-ari nitong University?!
"Duh! Ikaw na lang yata ang hindi nakakakilala sa kanya! " - Ritz.
"Oo nga! Hello?! Karamihan nga ng mga girls na first year may crush na sa kanya nung enrollment pa eh! " - Jean.
"T-teka, pina-process ko pa sa utak ko yung mga sinabi niyo sa akin eh."
"Ano ka ba friend?! Inexplain na nga namin sa'yo lahat in full details eh! " - Rina.
Yung lalaking yun? Nakabunggo ko? Luke Zacchary Sy ang pangalan? Anak ng may ari nitong University?!
Ang dami kong tanong! Aish! Ang gulo! Hindi ko pa talaga ma-absorb sa utak ko!
Pero wait, a-anak siya ng may-ari ng university diba?! T-tapos, nasigawan ko pa siya at nasabihan ko pa ng stalker at magnanakaw! Aish!
Paano kung sabihin niyang sinabihan ko siya ng ganun?! Paano na lang kung magsumbong siya?! Paano kung isumbong niya ako?! Paano kung sinabi niyang nabunggo ko siya dahil hindi ko tinitignan ang dinadaanan ko?!
May possibility kaya na ma-kick out ako sa University na ito? Oh no. Please. Maawa naman sila sa akin.
"Hoy Camie! Tulala ka na naman diyan! " - Zara.
Bigla naman akong natauhan nang narinig ko ang boses ni Zara. Grabe! Iniisip ko pa lang na maki-kick out ako dito sa University, ang hirap na talaga eh.
"Ai, sorry."
Pagkasabi ko niyon, tumingin naman ako sa wrist watch ko para i-check kung anong oras na. 8:50 am na pala.
"Guys, 8:50 na pala. Paano yan? Di na tayo makakapunta sa library? "
"Hayaan mo na friend. At least nasa'yo na ulit yang ID mo." - Rina.
"Sorry friends ha? Pinag-effort ko pa kayo sa paghahanap. Nandoon lang pala yung ID ko sa lala- este kay Luke the whole time."
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Teen FictionSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?