-Camie's POV-
"Hello? (...) Hey, uhm, magpapaalam sana ako ulit. (...) Bibisita muna ulit ako sa PFB. (...) Oh, ba't parang galit ka na naman yata? (...) We've talked about this already, diba? (...) Don't worry, we're not gonna do anything stupid. Haha. (...) No, it's okay. Magpapahatid na lang ako kay Kuya Jay. Alam kong busy ka pa diyan. (...) Of course. (...) Oo naman. (...) Thank you! (...) Opo. Ang kulit lang? Haha. (...) Love you too monkey babe! Bye!"
Ayan, tinawagan ko kasi si Luke para magpaalam sa kanya. Ang boring kasi dito sa bahay kaya naisipan ko munang bumisita sa PFB.
Gusto ko rin kasi silang kamustahin sa pag-aaral nila sa Sy University tsaka if ever na may ginagawa silang related sa acads, baka pwede na rin akong makatulong.
Narinig niyo ba yung pag-uusap namin ni Luke? Ayun, tumaas na naman ang boses nung sinabi kong sa PFB ulit ako pupunta. Haha :P
Pero kagaya nga ng sabi ko, napag-usapan na namin yun. Sinabi ko sa kanyang wala namang masama kung bibisita ako doon dahil nga friends ko sila at bestfriend ko si Josh.
Syempre, wala naman na siyang nagawa kundi mag-agree na lang. Alam kasi niyang magtatampo ako pag hindi siya pumayag eh. Haha :P
Dahil nakapag-ayos na rin ako, bumaba na ako ng hagdan at dumiretso na ring lumabas ng bahay para magpahatid kay Kuya Jay.
Sakto naman, paglabas ko nandoon si Kuya Jay at nililinisan yung isa namin sasakyan. Lumapit ako sa kanya at tumigil naman siya sa ginagawa niya.
"Ai, Ma'am Camie, kayo pala." - Kuya Jay.
Hindi po Kuya Jay. Picture ko lang po ito. 3D pa nga po eh. -_____- Hahaha! :P
"Opo Kuya Jay. Pwede niyo po ba akong ihatid muna sa condo ng PFB? Bibisita po muna kasi ako sa kanila eh."
"Sige po. Pero nagpaalam na po ba kayo kay Sir Luke? Baka mamaya magalit na naman yun pag nalaman niyang umalis kayo ng di nagpapaalam eh." - Kuya Jay.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Novela JuvenilSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?