-Camie's POV-
May pasok na naman ngayon. At dahil second sem na ngayon, iba na naman ang mga subjects at mga professors ko.
Hindi ko na professor si Angelo ngayon pero kahit ganun, nagkikita pa rin naman kami at lumalabas pa rin naman kami paminsan-minsan.
Pero dahil nga napaka-possessive ng monkey babe ko, kung minsan, nagpupumilit siyang sumama sa amin. Kung minsan naman, pinapauwi niya kami ng napakaaga. At kung minsan naman, hindi niya kami pinapayagang lumabas. -_____-
Ewan ko ba doon. Kapatid naman niya ang kasama ko eh. Pati ba naman kapatid niya kailangan niyang pagselosan? Hahaha :P
Teka, nasabi ko na bang nagsstudy na rin dito sa Sy University ang PFB?
Oo, naisipan nilang mag-enroll dito para naman daw madagdagan pa yung nalalaman nila (sus! Haha!) at para na rin daw may pagkaabalahan pa silang iba habang hinihintay na matapos ang construction nung PFB Corporation extension.
Hindi na rin naman nila kailangang problemahin ang privacy at protection nila dahil si Luke na rin mismo ang nag-ayos ng lahat-lahat.
Pinadagdagan niya ang guards dito at pinagbawal na rin niyang makapasok ang mga mediamen at press dito habang class hours. Syempre, inapprove naman yun ng parents ni Luke dahil nga international guests ang PFB.
Nandito nga pala ako sa cafeteria ng university ngayon. Katatapos lang kasi ng lahat ng subjects ko at dahil napagkasunduan namin ni Luke na sabay na kaming uuwi, hihintayin ko na lang muna siya dito.
"Hi Camie." - (?)
Dahil nakaupo ako at hawak ko ang phone ko, tumigil muna ako sa kakapindot nito at tumingala naman ako sa direksiyon kung saan nagmula yung boses.
Pagtingin ko...
"Hello! Ikaw pala Angelo."
"Nag-iisa ka yata?" - Angelo.
"Hinihintay ko si Luke eh. Alam mo naman, sabay kaming umuuwi nun. Haha."
"Kaya naman pala nag-iisa ka na naman dito. Haha. Tapos na ba lahat ng classes mo?" - Angelo.
"Yep, katatapos lang kanina."
"Di bale, parating na rin siguro si Luke. His last class is probably about to end." - Angelo.
"Siguro nga. Upo ka muna oh."
"Okay lang ba?" - Angelo.
"Oo naman. Di naman siguro ito pinagbabawal ng kapatid mo, diba? Hahaha. Sige na, upo ka na."
Pagkasabi ko naman nun, umupo na rin si Angelo sa upuang katapat ko.
"Hahaha. Thank you." - Angelo.
"Teka, ikaw ba, wala ka na ring imimeet na class mo?"
"Wala na eh. Katatapos nga lang din ng meeting namin nung last class na hinahandle ko." - Angelo.
"Ah, ganun ba."
"Yep. So, ano bang activities niyo ni Luke mamaya?" - Angelo.
"Wala naman na kaming plans. Baka uuwi na lang din muna siguro kami."
"Ganun? Mahaba pa naman ang oras eh. Di ba kayo lalabas man lang?" - Angelo.
"Hindi ko rin alam kay Luke eh. Haha."
Pagkatapos kong sabihin yun, may nilabas namang tickets si Angelo mula sa pocket niya. I wonder what those tickets are for.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Teen FictionSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?