-Camie's POV-
Dahil boring sa bahay, pumunta muna ako dito sa condo ni Josh para naman may kakuwentuhan ako at para na rin may magawa ako kahit papaano.
Habang tinutulungan ko naman siyang magluto ng lunch namin, nagkukuwentuhan pa rin kami.
"Ano nga palang nangyari kahapon? Nag-usap na ba kayo ni Luke?" - Josh.
"Oo naman. Kaso nga lang, nasira yung entrance ko. Haha."
"Entrance? Haha. Bakit? Ano bang ginawa mo kahapon?" - Josh.
"Actually, dapat kasi, galit akong papasok sa bahay namin. Kaso ayun, nakita ko na lang si Yaya na may hawak na California Maki kaya bigla na lang akong napangiti. Hahaha."
"Kaya pala. Weakness mo pa rin pala talaga ang California Maki. Hahaha." - Josh.
"Pero teka, nung pina-tabi ko naman na kay Yaya yung California Maki, binalik ko naman ulit yung expression ko nung pagpasok ko. Haha."
"Paano bang naging pag-uusap niyo?" - Josh.
"Ayun, nagsisigawan na kami nung una. Galit ako sa kanya nung una dahil nga pinasundan niya tayo. Siya naman, galit sa akin dahil doon sa text ni Archie sa kanya na walang katotohanan."
-Josh's POV-
"Ayun, nagsisigawan na kami nung una. Galit ako sa kanya nung una dahil nga pinasundan niya tayo. Siya naman, galit sa akin dahil doon sa text ni Archie sa kanya na walang katotohanan." - Camie.
Sana maintindihan ako ni Camie kung sakaling malaman niyang ako ang may pakana nung text na yun na kunwaring nanggaling kay Archie.
Ginawa ko lang yun para kahit papaano, mabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Tignan mo nga naman, kahit papaano, nakaganti naman ako kay Luke.
Nagawa kong pagalitin at pagselosin si Luke dahil sa text na yun. Akala ko nga, dahil sa ginawa kong yun, mababawasan yung sakit na nararamdaman ko.
Pero hindi pala.
Mas lumala lang. Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Yung pakiramdam na kailangan mong i-let go ang isang taong sobra mong minahal.
Oo, tinulungan ko siyang ma-realize na mahal ka niya. Pero ang sakit pa rin palang i-admit sa huli na ako pa rin yung talo.
Ngayon, kailangan ko na namang itago itong nararamdaman ko. Itatago ko ito hangga't kaya ko. Pero kung sinaktan ka niya, I swear, ...babawiin kita sa kanya.
Para hindi makahalata si Camie, nag-pretend na muna akong hindi ko alam ang tungkol sa text.
"A-Ano daw ba yung tinext sa kanya ni Archie?"
"Tinext daw ni Archie sa kanya na hinalikan mo ako! Can you believe that?!" - Camie.
"O-Oo nga eh. I-I barely even touched you. Nag-usap lang tayo, diba?"
"Kaya nga eh! Nakakainis lang! But you know what? Naging maayos din naman ang lahat." - Camie.
"That's...That's great. Wait, anong ibig mong sabihin doon sa 'naging maayos'?"
"Well, I know you're my bestfriend and I know you can keep a secret..." - Camie.
"Yeah, yeah. Ano nga yun? Sabihin mo na kasi."
"So, here it goes. Remember noong nag-overheat yung car mo?" - Camie.
"Oh, anong meron doon?"
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Novela JuvenilSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?