-Camie's POV-
Ito ako ngayon, hindi na naman mapakali. Iniisip ko rin kasi kung ano ang irereply ko dito kay Tita Debbie eh.
Okay, sige, may naisip na ako. Ita-type ko na muna.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagta-type. Bigla naman akong napahinto nang nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto ko.
Ito na nga yata ang pinaka-kinatatakutan ko. Ano na lang ang sasabihin ko sa kanila? Ano na lang ang sasabihin nila sa akin?
Halaaaaaa!
Agad na akong tumayo papunta sa may pinto.
Hawak ko na ang doorknob.
Inhale...exhale...
Ito na talaga. Inikot ko na ang doorknob at binuksan ko na ang pinto. Bumungad naman sa akin ang mukha ni Dad na parang naka-pokerface.
Laking gulat ko naman nang lumabas mula sa likod ni Dad si Mommy. Halaaaaa! Akala ko si Dad lang ang kakausap sa akin.
Lagot na. Kasama pala pati si Mommy. Alam na rin yata niya.
"Anak, can we talk?" - Daddy.
OMG! Supeeeer serious ng mga expression nilang dalawa! Sabi ko na nga ba eh. Ito na yata ang katapusan ng maliligayang araw ko!
"S-sige po. Saan po ba?"
"Sa dining room na lang anak. Magpapahanda ako ng snacks natin habang nag-uusap-usap tayo." - Mommy.
"O-okay po, 1 minute po, bababa na rin ako."
Kasabay niyon, tumalikod na silang dalawa at bumaba sa hagdan. Ako naman, dahil di ko na alam ang gagawin ko, isinara ko muna ang pinto at sabay lundag sa bed ng naka-subsob.
Haaay! Ano ba naman kasi itong pinasok ko oh?! Kung minsan, may pakinabang din naman ang pagiging impulsive ko.
Gaya na lang nito, napapayag ako ni Luke sa fake engagement na ito na may mabuting dahilan naman pala at yun ay ang tulungang maibalik sa dati sila Angelo at Jessie.
Pero kadalasan, nakakabwisit at nakakainis din itong pagiging impulsive ko eh! Perwisyo kasi! Katulad na naman nito!
Pumayag ako agad ng hindi pa pinag-iisipang mabuti kung ano yung mga pwedeng kahantungan ng mga gagawin namin! Aish!
Tumayo na ako at humarap sa salamin sabay ayos ng buhok ko at ng damit ko.
Okay.
This is it.
Panahon na para umupo sa hot seat at pumasok sa isang kawali na may mga bawang at sibuyas na kasabay kong igigisa.
Lumabas na ako ng kuwarto ko. Lumakad na rin ako papunta sa hagdan at bumaba na rin ako.
Pagkababa ko, lumakad na ulit ako papunta sa dining room kung saan kami mag-uusap-usap nila Mommy at Daddy.
Pagdating ko sa dining room, nakita ko na sila Mommy at Daddy na nakaupo na sa dining table. Pagkakita nila sa akin, niyaya nila agad ako na umupo kasama nila.
Pumunta na ako sa upuan ko at umupo na rin ako. Pagka-upo ko naman, binigyan ako ni Mommy ng platito at kutsarita.
Nang tinignan ko naman kung ano ang pagkain na nasa harap namin...
OMG!
Oreo cheesecake! Favorite ko pa talaga ang pinahanda ni Mommy! Yeeeeeyyyy!
Kaso bigla ko na lang naalala kung bakit ako nandito. May seryoso nga pala kaming pag-uusapan kaya bigla na lang nag-change ang expression ko.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Novela JuvenilSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?