Chapter 35: A Ride

5.4K 83 1
                                    

-Josh's POV-

"Ano bang problema nitong kotse mo?" - Luke.

"Bigla na lang kasing bumagal at tumigil. Nag-overheat. Eh wala naman yung tools ko dito kaya di ko na alam gagawin ko."

"Bakit di mo tinawagan yung car service mo? Lahat naman siguro tayo may trusted na car service, diba?" - Luke.

"Yun nga rin ang problema eh. Lowbat yung phone ko."

"Ah, ganun ba? Wala palang kwenta yang phone mo edi itapon mo na lang." - Luke.

"Ano kamo?"

Sure talaga akong may iba pa siyang sinabi bukod sa "Ah, ganun ba" eh. Hindi ko lang naintindihan dahil medyo mahina ang pagkakasabi niya.

"Wala. Sabi ko, may maitutulong ba ako?" - Luke.

"Oo sana. May number ka ba ng driver nila Camie? Si Kuya Jay?"

"Oo naman. Sa araw-araw ba naman na nandoon ako sa bahay nila Camie eh. Kilala ko na at kilala na rin ako ng mga tao sa bahay nila at may mga number na rin nila ako." - Luke.

Araw-araw? Medyo nacucurious na talaga ako sa kung anong meron itong Luke na ito eh. Bakit siya nagpupunta sa bahay nila Camie araw-araw?

"Pwede mo ba siyang i-text at pakisabi puntahan niya tayo dito? Kailangan ko kasi ng tulong sa pag-repair nito eh."

"Sige." - Luke.

-Luke's POV-

Kinuha ko mula sa bulsa ko ang phone ko at inunlock ko ito. Lumingon ako sandali at napansin kong nandoon pa ang kotse ni Archie sa kabilang side ng daan.

Tinext ko na muna si Archie para sabihin sa kanyang pwede na siyang umalis mula sa kinaroroonan niya.

Pagkatext ko naman sa kanya, pagkalipas ng ilang minuto ay umalis na rin ang kotse niya. Malamang natanggap na niya ang text ko.

Pagkatapos niyon, hinanap ko na ang number ni Kuya Jay mula sa contacts ko at tinawagan ko na rin siya. Pagkatapos ng anim na rings, sumagot din siya kaya naman medyo lumayo muna ako para kausapin si Kuya Jay.

"Hello? (...) Kuya Jay, nandito kami sa may palabas ng subdivision. (...) Oo, kasama ko sila Camie. (...) Pwede mo ba kaming puntahan dito? (...) Nasiraan po kasi ng kotse itong kaibigan ni Camie. (...) Pwede mo daw ba siyang tulungan sa pag-aayos ng kotse niya? (...) Sige Kuya, hihintayin ka na lang namin dito. (...) Sige, bye." 

Pagkatapos nun, lumakad na ulit ako at lumapit kila Camie.

"Papunta na daw si Kuya Jay dito para tulungan ka sa pag-aayos niyang sasakyan mo."

"Salamat." - Josh.

After a few minutes, dumating na rin ang isang sasakyan. Paniguradong si Kuya Jay na ito. Pagbaba naman niya, tama nga. Si Kuya Jay nga.

Pagkababa niya, lumapit na siya sa amin at agad din naman siyang dumiretso sa may hood sa may mga makina ng sasakyan ni Josh.

"Sir, ano po bang problema?" - Kuya Jay.

"Bigla na lang pong tumigil at nag-overheat Kuya eh. Wala pa naman po akong nadalang tools dito. May dala po ba kayo?" - Josh.

"Meron naman po Sir pero kung overheat lang naman po pala ang problema, tubig lang naman po ang solusyon diyan." - Kuya Jay.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon