FUN FACTS

5K 56 1
                                    

Hiii! :) Ipapahabol ko lang sa inyo itong fun facts nitong "Fake Engagement." :)

---

1) Sa lahat ng mga nagawa kong kuwento online/offline, ito na yung pinakamahaba. Obvious naman, diba? 77 chapters plus prologue and epilogue! LOL! :P

2) "Is It Gravity or Love?" dapat ang title nitong story na ito. Pero dahil naisipan kong ibahin ang storyline, iniba ko rin ang title. :P

3) Noong una, hindi talaga ako makapagdecide ng kung sino ang magiging characters nito. Noong una, akala ko final na yung choice kong si Lee Min Ho at Park Min Young ang gawing protagonists. But then, napaisip ako. Sabi ko, ibang faces naman. Kaya naman...

4) Ulzzang (Uljjang) ang lahat ng characters nitong "Fake Engagement." Oo, kahit si Josh (Lee Kiseop of U-KISS) ulzzang din. Nakasama din siya sa Korean tv show na Ulzzang Shidae (just so you know :P). Bukod sa nasabi kong dahilan, napili kong gawing characters ang mga ulzzang dahil fan din nila ako. Ang ku-cute kasi ng mga ulzzang. LOL! :P

5) May totoong ulzzang group talaga si Redge (Park Tae Jun), Cliff (Lee Chi Hoon), at Brad (Park Ji Ho) pero hindi talaga kasama si Josh (Lee Kiseop). Ang tawag sa kanila, "Flower Men Corporation." Malapit-lapit sa PFBC (Pretty Flower Boys Corporation) diba? Yun talaga ang pinagbasehan ko. :P

---

Ito naman yung teaser ng bago kong story. Ang title, "Destiny's Twelve o'clock." Sana Subaybayan niyo rin yun tulad ng pagsubaybay niyo dito sa "Fake Engagement" noong mga panahong inuupdate ko pa ito. :)) Nasa external link po sa kanan yung bago kong story. :)

          Destiny’s Twelve o’clock – iyan ang isang larong pinaniniwalaang makapagsasabi kung sino ang nakatadhana para sa’yo. Pero alin nga ba ang mas paniniwalaan mo? Ang reyalidad ng buhay na nagpapaalala sa ating hindi lahat ay pinapaboran ng tadhana? O ang mapaglarong tadhanang walang kinikilalang sino man?

          Kilalanin si Emrys Rivera – isang ordinaryong kolehiyalang may ordinaryong buhay. Lahat na lang ng bagay ay naging kumplikado para sa kanya simula nang nagkatuwaan sila ng kaibigan niya at naglaro ng “Destiny’s Twelve o’clock.” Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, naugnay siya sa isang grupo na binubuo ng mga sikat na sports celebrities. Dahil doon, napagkasunduan nilang itago ang isang sikreto at itanggi naman ang ibang mga bagay na pilit inuugnay sa kanila. Paano kung mayroon pala talagang isang bagay na totoong nag-uugnay sa kanila? Dapat bang sisihin ang larong iyon dahil sa pagtatagpo nila? Lahat ba kaya ng ito’y gawain din ng mapaglarong tadhana?

---

Yun lang po. Thank you sa inyong lahat! :)

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon