-Camie's POV-
Weekend na naman ngayon. Today is Saturday! At pag Saturday, ibig sabihin, wala na namang gaanong gagawin! Petiks mode na naman ako ngayon!
Kung meron mang dapat gawin na mga assignments or kung ano pa man yan, mamaya ko na lang gagawin. Magrerelax muna ako ngayon! Yeeeeheeeey!
Ito ako ngayon...nakahilata sa bed at nakikinig ng music sa iPhone ko. Habang nakikinig naman ako, naisipan ko na ring kunin ang macbook ko.
Pagkakuha ko ng macbook ko, inopen ko ito kaagad at pagka-open ko naman, nag-connect na siya automatically sa wifi nitong bahay namin.
Agad ko nang binuksan ang internet browser ko. Inopen ko ang facebook sa isang tab. Sa kabilang tab naman, twitter.
Na-log in na ako sa facebook. Pagka-pindot ko naman ng enter, at habang nagloload pa ang facebook, nilipat ko na muna sa twitter sa kabilang tab.
Nag-log in na rin ako sa twitter at sabay pindot naman ng enter. Habang nagloload naman ang twitter, nilipat ko na ulit sa facebook sa kabilang tab. This time, nag-load na yung page completely.
OMG!
128 notifications?!
264 friend requests?!
242 messages?!
Saan galing itong mga ito?! Pwede pa sanang hindi ako magtaka sa dami ng notifications eh. Kasi malamang, mga game requests na naman yan.
Pero...264 friend requests?! Saang lupalop naman galing itong mga taong 'to at bigla na lang silang nagsulputan sa friend requests ko?!
And GOSH! 242 messages?! Sobrang dami naman! Parang di na kapani-paniwala ang ganito eh! Kakayanin ko bang tignan at basahin ang lahat ng ito in just ONE DAY?!
Ganun ba talaga ako katagal na di nakapag-log in?! Ang alam ko, ilang araw pa lang naman ang lumipas simula nung last na pag-log in ko dito sa account ko ah?!
Aish! >.< Kaysa naman dumaldal pa ako ng dumaldal dito, mabuti pa sigurong simulan ko na ang pagbubukas at pagbabasa ng mga ito, diba?!
Una kong binuksan ang friend requests ko. Yung iba, girls. Yung iba naman, boys. Pero karamihan talaga sa kanila, girls.
Tinignan ko naman yung details sa tabi ng names nila. Karamihan sa kanila, may nakalagay na "Sy University" sa tabi ng mga names nila.
Ibig sabihin, schoolmates ko itong mga ito?! Pero teka, hindi ko naman sila kilala ah! Paano nila ako nakilala?! Hindi rin naman ako popular sa University ah!
Sige na nga. Dahil friendly naman ako, i-aaccept ko na lahat ng mga ito. Sunod-sunod ko nang inaccept ang mga friend requests.
Kasabay niyon, sunod-sunod na ring nag-pop out ang mga chatboxes. Tinignan ko kung sino yung mga yun. Sila rin pala na mga nag-add sa akin as friend. Wow. Online talaga sila eh noh?!
Dahil sunod-sunod nang nag-pop-out ang mga chatboxes, nag-offline mode na muna ako. Pagka-offline ko, pinagpatuloy ko na ang pag-accept ng mga friend requests ko.
Ngayong naka-offline naman ako sa chat, yung mga messages ko naman ang nadagdagan. Oh great. hahanap at hahanap talaga sila ng butas na pwedeng pagsiksikan.
From 242 messages, naging 245 messages na.
Wow ha. Salamat doon sa tatlong dumagdag sa messages ko ha?! Grabe. Nag-effort pa talaga kayong dagdagan ang messages ko eh noh?!
Pagkatapos kong mag-accept ng friend requests (akalain niyo yun? Kinaya kong i-accept lahat yun ng ganun kabilis? Haha!), sumunod ko namang binuksan yung messages ko.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Teen FictionSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?