-Camie's POV-
Inayos ko na ang mga gamit ko sa loob ng bag at pagkatapos ay isinuot ko na rin ito sa balikat ko.
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Saan na nga ba ako pupunta ulit?
Ai, sa Registrar's Office nga pala. Naku, ito na nga ba ang sinasabi ko eh. End of the world na para sa akin. Katapusan ko naaaaa!
Ayan, lakad, lakad, lakad... Loner na naman po ang bida niyo. Dati-dati, pag may kailangan akong puntahan, sasabihin ko lang sa katabi kong "Ui, samahan mo naman ako oh."
Kaso ngayon, wala na akong mayaya eh. Sabi ko nga sa inyo, hindi na kami block ngayon. Individuals na rin kami dito sa university. We'll have to do everything by ourselves.
Ayan, sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan kung nasaan na ako. Pagtingin ko sa tapat ko, nasa may pinto na pala ako ng Registrar's Office.
Kinakabahan na talaga ako. Hala. Ito na talaga. Papasok na ako. Lalapit na ako sa registrar. Ano na lang kaya ang sasabihin niya sa akin?
Paglapit ko naman, parang biglang kumalma yung nerves ko. Aba! Nakita ko ba namang naka-smile sa akin yung registrar eh.
Lumapit naman ako at nagpilit akong ngumiti din sa kanya. Haist! Ano ba yan! Nagiging "smile faker" na rin ako.
Paglapit ko...
"Oh iha, buti naman at sinabi sa'yo ni Luke yung request ko na papuntahin ka dito." - Registrar.
"A-ah, opo nga po eh. Sinabihan po niya ako bago kami lumabas ng room."
Pinansin ko naman ulit siya. Naka-smile lang siya sa akin?
"Ano nga po palang meron? Bakit niyo po ako pinatawag?"
"Eh kasi iha, nakay Luke pala yung ID mo. Kasasabi lang niya kanina. Sabi nga rin pala niya, siya na lang daw ang magbabalik sa'yo once na nagkita kayo." - Registrar.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Teen FictionSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?