A/N: Play the video (for background music) in the multimedia. >>>>>
------------------------------------------------------------------------------------
-Camie's POV-
Paalis na ako ngayon dito sa hotel. Nag-iimpake na rin ako para makabalik na ako sa bahay ng parents ko.
Nang tapos na akong mag-prepare at mag-impake, lumabas naman ako ng kuwarto at kumatok muna ako sa pinto ng hotel room ni Josh.
After a few knocks, wala pa ring sumasagot. Wala kaya siya dito? I wonder where he is. Should I call him? Hindi. Hahanapin ko na lang muna siya.
Bago ko hanapin si Josh, ipinalabas ko na muna sa bellboy ang mga bags at iba pang gamit ko papunta sa lobby kung saan ko isusurrender ang room key ko.
Ayon sa contract namin dito sa fashion event, sila na daw ang bahalang mag-handle ng expenses kaya hindi ko na kinailangang magbayad.
Pagkatapos kong i-surrender ang room key ko, pumunta na ako sa parking lot at pinalagay ko na sa loob ng sasakyan ko ang mga gamit ko.
Nang nai-lagay na lahat sa loob ng sasakyan ko, bumalik ako sa loob ng hotel. Kinausap ko ang receptionist na hahanapin ko lang saglit si Josh bago ako umalis.
Dahil kilala naman ako ng receptionist, in-allow naman niya akong hanapin si Josh. Nagsimula ako sa buong lobby. Wala siya doon.
Naghanap naman ako sa buffet area. Wala din siya. Lumakad ako papunta sa pool area. Pagdating ko naman doon, ginala ko ang paningin ko.
Nakita ko si Josh. Kasama niya si Luke. Ano namang ginagawa nila dito? May pinag-uusapan ba sila?
Inattempt kong lumapit sa kanila pero hindi muna ako nagtuloy-tuloy nang narinig ko ang sinasabi ni Luke.
"Ano 'to?! Patatagalin mo na lang habang ako patuloy pa ring umaasa?" - Luke.
"Hangga't nakikita kong may gusot pa, hindi ko pa gagawin yun. Ayokong masaktan na naman siya ulit at maipit sa isang gulong hindi naman dapat siya madamay. Ayusin mo muna lahat ng dapat mong ayusin." - Josh.
Ano ba 'tong pinag-uusapan nila? Ano yung gusot? At sino yung binanggit ni Josh na "siya"? At ano rin yung sinasabi ni Luke na patatagalin ni Josh?
Hindi ko maintindihan. Alam kong masama ang makinig sa isang usapang hindi ko naman dapat marinig. Pero nandito na ako eh. Hindi ko naman sinadyang datnan ang ganitong pag-uusap nila.
"Josh."
Lumingon naman silang dalawa sa kinaroroonan ko nung tinawag ko si Josh. Para silang parehong naalerto.
Lumapit naman ako sa kanila para magkarinigan kami at para na rin maka-usap ko si Josh tungkol sa pagbalik ko sa bahay ng parents ko ngayon.
"Camie? K-Kanina ka pa ba diyan?" - Josh.
Bakit nags-stutter 'to? Kaninang dumating ako, pareho silang parang hindi mapakali. Tapos ngayon, ito naman.
"Hindi. Kararating ko lang. Luke, nandito ka rin pala."
"Hi." - Luke.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Wala. May pinag-usapan lang kami." - Josh.
"Sige, mauuna na muna ako. Bye." - Luke.
Pagkatapos magpaalam ni Luke, lumakad na rin siya paalis. Ba't kaya umalis yun? Akala ko ba may pinag-uusapan pa sila ni Josh?
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Teen FictionSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?