-Camie's POV-
"Actually, akala ko rin talaga yung pinsan ko ang nagpasundo. Unknown number kasi eh. Hindi ko rin inexpect na si Josh pala yun."
"Unknown number?! Eh bakit pumayag ka naman kaagad?! Paano na lang kung may iba palang motibo yung nagtext sa'yo?! Paano na lang kung iba palang tao yun?! Edi napahamak ka na?!" - Luke.
Ang daming sinabi!
Pero, teka, teka...
"Oh eh bakit parang concerned ka yata? Yiiiiieeeee! Concerned siya! Hahahaha!"
"S-Syempre! Ano bang papel ko dito?! Diba fiancé mo ako?! So, if ever may mangyaring masama sa'yo, malamang ako ang mananagot!" - Luke.
"Sus! Yun lang pala eh. Haha. Kaya nga panatag na rin ako nung sinamahan mo ako eh. At least, alam kong if ever din na may mangyaring masama sa akin, at least may magse-save sa akin, diba?"
Huh? Sinabi ko ba yun? Ako bang nagsabi nun?
Pero totoo naman. Nung kasama ko si Luke, parang pakiramdam ko, I have nothing to fear.
"Pasalamat ka nagpumilit akong sumama. Kung hindi, baka kung ano nang nangyari sa'yo." - Luke.
"Salamat."
Dahil sa pag-uusap namin ni Luke, ngayon ko lang na-realize na sa kabila ng pagiging cold niya, may puso pa rin naman pala siya.
The rest of the trip, tahimik lang kaming dalawa. After a few minutes, nakarating na rin kami sa tapat ng bahay namin kaya nag-park muna sandali si Luke sa may gutter.
Pagka-park niya ng sasakyan, bumaba na rin ako kaagad at sinara ko na ang pinto ng sasakyan niya.
"Thank you ulit sa pagsama sa akin. Good night!"
"Camie, wait!" - Luke.
Nakatalikod na ako nun at maglalakad na sana pero nang narinig kong tinawag ako ni Luke, lumingon ako kaagad.
"Bakit?"
"Uhm, matutuloy ba yung lakad niyo bukas nung bestfriend mo?" - Luke.
"Oo naman. Bakit? Wag mong sabihing sasama ka na naman?!"
"Bakit? Fiancé mo ako diba? May karapatan akong..." - Luke.
"Pagbigyan mo naman muna kami ng bestfriend ko na makapag-hangout nang kaming dalawa lang. Alam ko namang alipin pa rin ang turing mo sa akin pero kahit naman alipin kailangan din naman ng day-off, diba? Kailangan ko ng konting space, Luke."
"S-Sige, nagbabakasali lang naman ako. Sige, good night. Ingat kayo bukas." - Luke.
"Sige, good night ulit. Ingat din sa pagda-drive Thank you ulit."
Pagkatapos nun, umalis na rin Luke sakay ng sasakyan niya. Ako naman, pumasok na rin sa loob ng bahay namin.
Bakit ganito? Pakiramdam ko parang pinagtabuyan ko si Luke dahil sa mga sinabi ko sa kanya.
Pakiramdam ko parang ako pa ang nagmukhang masama dahil sa mga sinabi ko at dahil na rin sa tono ng pagsasalita ni Luke kanina.
Oh well, maiintindihan na rin naman niya siguro kung bakit ko sinabi yun.
Pagpasok ko ng bahay, dumiretso na ako sa kuwarto para makapag-prepare na sa pagtulog.
Pagkatapos kong magprepare, humiga na ako sa bed ko. Biglang tumunog yung phone ko kaya agad ko naman itong nilabas at in-unlock.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Teen FictionSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?