Chapter 47: Hearing Each Other

4.4K 79 1
                                    

-Camie's POV-

Malapit na ako sa may puntod ni Ate Calee nang may narinig akong pamilyar na boses kaya nagtago ako. Habang nakatago naman ako, sumilip ako para makita kung sino yun.

Pagkasilip ko...

Si Luke? Bumisita rin siya sa puntod ni Ate? Paano niya nalaman na nandito ang puntod ni Ate? At higit sa lahat, bakit nga ba siya nandito?

Nakatayo lang siya sa tabi ng puntod ni Ate. Hindi ko naman sinasadyang maririnig siyang magsalita.

Pero since nandito na rin lang ako at hindi naman niya alam na nakikinig ako, papakinggan ko na muna ang mga sinasasabi niya. Para siyang nakikipag-usap kay Ate eh.

"Kamusta ka na? 5th death anniversary mo na nga pala ngayon ano? Napakabilis ng panahon." - Luke.

Teka, alam din niyang death anniversary ni Ate ngayon? Paano? Ibig bang sabihin nito, magkakilala din sila ni Ate noon?

"Halos limang taon na rin ang nakalipas noong huli tayong nagkita. at nang hindi natupad yung promise mo sa akin. Nasabi ko naman na sa'yong nagka-phobia ako sa ganun diba? Nagka-phobia ako sa broken promises." - Luke.

Ito ba yung sinabi ni Angelo sa akin dati sa text niya? Na may phobia si Luke sa mga broken promises? Si Ate ang may kasalanan kung bakit nagka-phobia siya ng ganun? Ano naman kaya yung pangakong yun?

"Ikaw kasi. Nangako ka eh." - Luke.

Parang nag-iba ang tono ng boses ni Luke. Kung kanina, parang normal lang ang pagsasalita niya, ngayon naman, para siyang napapaos-paos na nanginginig. Teka, umiiyak ba siya?

"Nangako ka eh.  Diba nag-promise tayo sa isa't isa na walang iwanan? Anong nangyari?" - Luke.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon