Chapter 34: His Secrets

5.9K 91 0
                                    

-Luke's POV-

Dahil Sunday ngayon at wala akong magawa, naisipan ko na munang pumunta sa bahay nila Camie. Kilala naman na ako ng mga katulong nila kaya pinapapasok na rin nila ako dito kahit pa wala si Camie.

Nakaupo ako sa sofa ng living room habang nanonood ng tv. Hindi ako makuntento sa iisang channel kaya pinalipat-lipat ko ito ng channel.

Sa peripheral vision ko, may napansin akong parang papalapit sa akin kaya naman napalingon ako. Pagkalingon ko, si Yaya Lori pala.

"Hello po Sir Luke!" - Yaya Lori.

"Hi Yaya Lori. Si Yaya Cita muna ang nagbukas ng pinto kanina para sa akin ah."

"Ai, opo Sir. Pasensya na po, inasikaso ko po kasi yung mga labahin eh." - Yaya Lori.

"Okay lang po yun."

Si Yaya Lori kasi ang kadalasang nagbubukas ng pinto tuwing pumupunta ako dito kila Camie. At dahil madalas na ganun, si Yaya Lori na rin ang napagkatiwalaan ko.

"Magrereport ba ulit ako ngayon Sir Luke? Haha." - Yaya Lori.

"Kung meron po kayong irereport, edi sige po. Haha."

"Naku Sir. Galing dito si Sir Josh kanina. Yung bestfriend ni Ma'am Camie?" - Yaya Lori.

"Alam ko na po yun. Nagpaalam nga po si Camie sa akin na may lakad daw sila nung bestfriend niya."

"Hindi naman kayo nagseselos niyan Sir? Fianceé niyo pa man din si Ma'am Camie." - Yaya Lori.

 

 

 

 

Bakit naman ako magseselos? Eh hindi ko naman yun totoong fianceé eh. Ginawa ko lang talaga siyang isa sa mga responsibilidad ko simula nang nadamay siya sa mga plano ko para kay Kuya.  -_____-

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon