Chapter 60: Guidance Office

3.6K 57 6
                                    

-Camie's POV-

After a few minutes, tumigil na rin ang pagpe-play nung audio clip na kanina pa paulit-ulit na pinapatunog sa audio system ng university.

Naka-akbay pa rin si Luke ngayon at kinocomfort pa rin niya ako. Si Josh naman, nandito pa rin sa tabi ko ngayon.

Bumalik na rin naman sila Angelo, Redge, Cliff at Brad dito sa lugar kung saan kami nakatayo ngayon.

"Okay na. Napaki-usapan na namin silang itigil na ang pag-play doon sa audio clip." - Redge.

"Kanino daw ba galing yung audio clip na yun?!" - Luke.

"Hindi rin namin alam eh. Wala namang gustong umamin doon sa loob ng room ng audio system." - Brad.

"Tsaka pahirapan din yung pagpapatigil namin sa pagpe-play nila nung audio eh." - Redge.

Sumingit naman na ako sa usapan nila. Ayaw ko naman kasing umiyak na lang ng umiyak dito.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Ayaw kasi nilang itigil dahil pinaglalaban nila yung "students' rights" daw nila. Kaya tinakot na lang namin silang magsu-sue kami pag hindi pa nila pinatigil yung audio." - Cliff.

"Ayun, natakot naman sila kaya pinatigil na nila. Sinubukan na rin namin silang tanungin kung kanino galing yung audio clip pero wala talagang gustong magsalita. Basta daw may pinasa lang sa kanilang flashdrive na nagcontain nung audio clip." - Angelo.

"Malalaman din siguro natin yan. Sa ngayon, mag-isip na muna tayo ng paraan para hindi na kumalat ang audio clip at ang issue na ito."

Tumahimik naman kaming 7 at mukhang napa-isip ang lahat sa pwede naming plano sa mga susunod naming gagawin.

Habang may katahimikan naman sa grupo namin, bigla na lang akong nakarinig ng isang familiar na boses.

"Anak! What happened?"

Lumingon naman ako at nakita ko namang nasa likod ko na sila Mommy at Daddy. Sabi ko na nga ba eh. Sandali, paano na 'to? Malalaman nila?

"M-Mom, D-dad? A-ano pong ginagawa niyo dito?"

  "Anak, nag-worry kami ng Mommy mo kaya nagpunta na kami dito. Ano bang nangyayari?" - Daddy.

"Uhm..eh...k-kasi po..."

"PAGING MR. LUKE ZACCHARY SY, MS. CARLIE CAMRYN PARK AND MR. DREW ANGELO SY, YOU ARE BEING SUMMONED BY THE TRIBUNAL AND THE DISCIPLINARY BOARD. PLEASE REPORT AT THE GUIDANCE OFFICE IMMEDIATELY."

Dahil sa announcement na yun, mas lalo akong kinabahan. Nagkatinginan na lang kami ni Luke na parang parehong nagtatanong kung anong dapat naming gawin.

Tumingin ako sa iba pa naming kasama. Si Josh, Redge, Cliff at Brad, pare-parehong may worried na expression habang si Mommy at Daddy naman, parehong mukhang naguguluhan sa mga pangyayari.

"Anak, bakit kayo pinapatawag sa Guidance office?! Pwede niyo bang ipaliwanag sa amin ito?!" - Mommy.

"Naguguluhan na kami ng Mommy mo. Ano ba talagang nangyayari?" - Daddy.

Sasagot na sana ako pero hindi ko na tinuloy nang inunahan ako ni Luke sa pagsasalita at pagsagot sa kanila.

"Tito, Tita, mabuti po sigurong sumama na lang po muna kayo sa amin sa Guidance office. Doon na po namin ipapaliwanag sa inyo." - Luke.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon