Chapter 45: He Saved My Day Again :)

4.7K 81 4
                                    

-Luke's POV-

Nandito pa rin ako sa bahay nila Camie. Kanina pa rin ako hindi mapakali dito. Pakiramdam ko kasi, mapapahamak na naman si Camie eh.

Dahil nga inutusan ko na naman si Archie na mag-spy kila Camie, sinabihan ko siya na itext ako at i-update ako sa kung ano na ang mga nangyayari sa kanila.

Kanina ko pa siya tinetext at pinapaalalahanan na magtext siya o tumawag siya sa akin kung ano nang mangyayari pero puro "okay po" lang ang mga reply niya.

Matawagan na nga! After ng ilang rings, sumagot din siya. Sa wakas!

"Hello?! (...) Diba sabi ko i-text mo ako sa mga nangyayari?! (...) Hindi yun ang hinihintay kong reply mo! I was expecting you to tell me every detail ng mga nangyayari diyan! (...) Osya! Ano na bang nangyayari diyan? (...) Marami bang fans na nandiyan? (...) Dinumog ba sila? (...) Ah, so ginamit nila yung VIP parking? (...) That's good. Sundan mo na sila. (...) ANO?! Wala kang VIP pass?! (...) Hay naku! Sige, hintayin mo ako diyan!"

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Archie, kinuha ko na ang susi ng kotse ko na nilapag ko kanina sa coffee table.

Lumabas na ako at dumiretso na akong sumakay sa kotse ko. Pagsakay ko, pinaandar ko na rin ito at nag-drive na ako papunta sa C-mall.

After a few minutes, nakarating na ako sa harap at nakita ko si Archie kaya pinasakay ko na muna siya. Dahil sabi ni Archie, ginamit nila ang VIP parking space nila, gagamitin ko na rin muna yung akin.

Pagka-park ko ng kotse ko sa VIP parking space ko, lumabas na kami ni Archie at dumiretso na rin kami sa VIP entrance.

"Nasaan ba sila Camie?"

"Ang alam ko, sa VIP route daw sila dumaan eh." - Archie.

"Paano ka nakakasiguro?"

"Sabi yun ng mga fans nila diyan sa labas eh. Alam niyo naman ang mga fans, may pagka-stalker din. Kaya malamang, sigurado yung mga yun. Yung iba nga sa kanila, may locator pa eh." - Archie.

"Ganito ha. Ipapahiram ko sa'yo itong VIP pass ko. Mag-spy ka lang din muna sa kanila habang ako naman, doon muna ako sa right wing nitong mall. Wag mo akong kakalimutang i-update ha?! BAWAT DETALYE."

"Oo, sige. Pupunta na ako." - Archie.

Umalis na si Archie at dumiretso na siya sa VIP route para hanapin sila Camie. Ako naman, dumiretso na rin muna sa public side ng mall dahil nga nakay Archie ang VIP pass ko.

Nag-ikot-ikot muna ako para makapagpalipas ng oras habang naghihintay ng update ni Archie. Habang nag-iikot naman, napalingon ako sa may fountain.

Pagkalingon ko sa fountain, nagulat naman ako sa nakita ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Nakaupo si Kuya Angelo sa tabi.

Alam kong karaniwan na niyang ginagawa ang ganito. Tuwing may mga bagay na nagpapaalala sa kanya kay Jessie, dito siya pumupunta para makalimot.

Pinuntahan ko siya sa kinaroroonan niya at lumapit naman ako sa kanya. Paglapit ko sa kanya, nagsalita naman ako.

"Kuya?"

Pagkasabi ko naman nun, idinilat niya ang mga mata niya at tumingin siya sa akin.

"Oh, nandito ka rin pala Luke. Anong ginagawa mo dito?" - Kuya Angelo.

"Ahh...ehh...nag-iikot lang din. Wala akong magawa sa bahay eh." - Luke.

Alangan namang sabihin ko sa kanyang nagpunta ako dito para hanapin si Camie diba?! Baka kung ano pang isipin ni Kuya. Alam naman niya ang tungkol sa pagiging fake engaged namin ni Camie, diba?!

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon