-Camie's POV-
ilang araw na rin ang lumipas simula nung nagkaroon kami ng mahaba-haba, matino at seryosong pag-uusap ni Luke.
Nung araw na yun, pagkatapos ng pag-uusap namin, nagpaalam na rin ako sa kanya dahil napansin kong marami na ring mga classmates ko sa Communication 101 ang pumapasok sa classroom namin.
Well, umalis na rin naman si Luke. Baka daw kasi masira ang image niya eh. Tsaka daw baka kung ano daw ang isipin ng mga classmates ko pag nakita kaming magkasama.
As if namang papatol ako sa kanya noh?! Kainis lang?!
Siyempre, pagkatapos ng Communication 101 namin, dumiretso na kami ni Rina sa room kung saan ang Philosophy 20 namin.
Naaalala niyo pa ba noong unang day ng pagpasok namin sa klaseng ito? Sobrang tahimik pa dahil hindi pa sila gaanong nagkakakilala. Pero nung dumating si Luke, bigla namang umingay dahil halos lahat sila, nagbulungan na.
Tapos nung nagtagal naman, Kabaliktaran na. Before mag-start ang discussion namin noon sa Philosophy 20, sobrang ingay na rin sa room dahil halos lahat sila, nag-uusap-usap at nagkukuwentuhan na.
Tapos nung dumating naman si Luke, tumigil naman silang lahat sa pagkukuwentuhan at nanahimik din naman sa buong room namin. Oh diba? Kabaliktaran nga sabi ko, diba?
As usual, doon pa rin siya pumwesto sa "loner seat" sa may tabi ng bintana sa pinaka-likod na part ng room namin.
Pagkatapos naman ng Philosphy 20 namin noong araw na yun, nagpaalam na rin ulit si Rina dahil nga may next class pa siya.
Lumabas na rin ako ng room at dumiretso na naman ako sa cafeteria dahil breaktime ko na rin nun. Kumain ako ng lunch at pagkatapos ay nagpahinga ako sandali.
After ng ilang minutes ng pagpapahinga ko sa cafeteria noong araw na yun, lumakad na ulit ako papunta sa room kung saan ang class ko ng Physics 21.
Nung araw na yun, nagsimula na rin akong maging excited sa pagpasok sa Physics 21. Kung minsan nga, hinihiling ko pa na sana laging Physics 21 na lang ang class ko.
Sino ba naman ang hindi ma-eexcite diba? Eh yung prof ko, di ko lang prof. Friend ko pa! At siyempre, crush ko pa! :) Kyaaaaaaaaaaaa! Ako nang kinikilig! Haha :P
Pero isama niyo na rin naman sa listahan ng reasons ko sa pagka-excite ko sa pagpasok sa Physics 21 yung pagiging interesting ng subject.
*FLASHBACK*
Nag-discuss lang naman kami ng tungkol sa kung anu-anong force at na-mention din yung ibang mga Physicist na may kaugnayan sa mga pinag-aralan namin.
Pagkatapos ng Physics 21 namin, nahuli na naman akong lumabas ng room. Dahil pareho kami ni Angelo na nahuli sa paglabas, inapproach niya ulit ako.
"Hi Camie." - Angelo.
"Hello Sir Angelo!" - Masayang bati ko sa kanya.
"Dadalawa na lang tayo dito sa room." - Angelo.
"Ai, oo nga pala. Haha. Sorry Angelo."
"Hindi ka pa rin pala talaga sanay sa first name basis natin. Haha." - Angelo.
"Di bale, masasanay din ako. Haha."
"So, may gagawin ka pa ba? Or may next class ka pa ba after this?" - Angelo.
"Wala naman na."
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Teen FictionSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?