-Camie's POV-
Bakit ba ako biglang kinabahan? It's not like she's going to kill me in front of everyone. Magkikita lang naman kami for lunch.
Pero bakit parang nakaka-pressure? Sobrang halaga ba talaga ng sasabihin niya sa akin? Pero teka, hindi kaya magkasama sila ni... Hindi. Hindi pwede. Imposible.
"Hi Camie." - Jessie.
"Hi."
"Good to see you again. Please sit down." - Jessie.
"Y-You're not with anyone, are you?"
"Nope. Just me." - Jessie.
Nag-order na muna kami ng food at pagdating naman ng food namin, kumain na muna kami. May konti rin naman kaming conversation habang kumakain pero yun lang yung mga tipong hindi gaanong kailangang bigyan ng importansiya.
Pagkatapos naming kumain, nagsimula nang mag-iba yung mood sa pagitan namin. Napansin kong parang naging seryoso ang mukha niya.
Bago pa man siya magsalita, inunahan ko na siya dahil kanina ko pa talaga siya gustong tanungin.
"Jessie, paano mo nga pala nalaman yung number ko?"
"I got it from one of my staff. You gave it to her yesterday, remember?" - Jessie.
Staff niya? Kahapon? Ano nga bang nangyari kahapon? Oo nga pala. May isang staff na kumuha ng number ko. Teka? Ibig sabihin...
"Ibig sabihin, ikaw yung CEO?"
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Roman pour AdolescentsSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?