Chapter 61: Dealing With Goodbyes

3.6K 57 6
                                    

-Camie's POV-

"Oh my god!"

"Ba't pa siya nandito?!"

"Hindi pa ba sapat yung kahihiyan na na-experience niya kahapon?"

"So, ano yan? Pakapalan ng mukha sa pagpasok dito sa university?"

"Grabe. Lakas ng loob! Kung ako yan, hindi na ako magpapakita ulit." 

Rinig na rinig ko ang mga "bulungan" ng ibang students sa university habang naglalakad ako sa may hallway.

Sabi ko na nga ba't mangyayari ang ganito eh. Tatlong araw na ang nakaraang hindi ako pumasok pero ganito pa rin.

Imbes na patulan ko sila, dumiretso na lang ako sa paglakad papunta sa faculty room nila Angelo.

Pagdating ko sa faculty room ng physics department, agad kong tinignan sa directory kung saan si Angelo sa mga oras na ito at kung may klase ba siyang imi-meet o wala.

Ayon sa directory, may klase siya sa College of Engineering sa room 205 sa ganitong oras kaya lumakad na ako ulit para puntahan siya.

Pagdating ko naman sa tapat ng room 205, sumilip ako sa bintana at nakita ko namang parang napalingon si Angelo kaya naghintay na lang muna ako sa labas.

Nagbukas yung pinto at sumilip si Angelo. Pagtingin naman niya sa kabilang side ng pinto, nakita naman na niya ako.

"Camie, nandiyan ka pala. Sandali lang ha?" - Angelo.

"Oo, sige lang."

Pumasok siya ulit doon sa room na pinagtuturuan niya. After a few seconds, napansin ko namang nagsitayuan na yung students niya.

Teka? Bakit ang aga? 10:00 am to 11: 00 am ang nakalagay doon sa directory na klase niya ah. 10:30 am pa lang ngayon.

Nang nagsilabasan na yung students niya, lumabas na rin naman siya at pinuntahan niya ako sa kinatatayuan ko.

"Bakit ang aga mo silang dinismiss?" 

"Alam kong may kailangan kang sabihin sa akin kaya binigyan ko na lang sila ng homework at nag-early dismissal na lang kami." - Angelo.

"Paano mo nalamang may kailangan akong sabihin sa'yo?" 

"Syempre, pupuntahan mo ba naman ako dito at hahanapin kung hindi urgent yung sasabihin mo? Haha." - Angelo.

"Oo nga naman. Ha-ha-ha." 

Nagkunwari na lang akong tumawa. Hindi kasi talaga ako makatawa ng maayos pag ganito ang sitwasyon eh.

"Kamusta ka naman pala? Nagtuturo ka na ulit ah." 

"Okay lang naman. Oo, after 3 days of suspension, pinagturo na nila ako ulit. Ikaw, kamusta naman ang situation niyo ng parents mo? Pasensiya ka na nga pala sa nangyari sa guidance office noon. Hindi kasi talaga namin inexpect na mangyayari yun ng ganun kabilis." - Angelo.

"Yun nga rin yung pinunta ko dito eh."

"Bakit? Ano bang nangyari?" - Angelo.

"Angelo, magpapaalam na rin ako. Aalis na kasi ako."

"Magpapaalam? Aalis? Bakit? Saan ka naman pupunta?" - Angelo.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon