----------------------------------------------------------------------------
-Luke's POV-
Natapos na naming gawin yung mixture at nilagay na rin namin ito sa isang baking dish. Pagkatapos nun, nilagay na namin ito sa oven para ma-bake na. Pagkalagay nun, napansin ko namang may natira pang flour sa plastic.
"Uy, may natira pang flour. Anong gagawin dito?"
Teka, may naisip ako. Bwahaha! Pero sandali, hihintayin ko na munang sumagot si Camie. Hahahahaha!
"Itabi mo na lang muna...- Aaaaah!" - Camie.
Gumana na naman kasi ang mapaglaro kong utak at naisipan kong tapunan siya ng flour sa ulo. Kapansin-pansin namang gulat na gulat siya. Hahaha!
"Hahahahaha! Bagay pala sa'yo eh! Haha! Lola Camie! Hahaha!"
Halos sumakit na ang tiyan ko dahil hindi ko na talaga napigilang tumawa. Hahaha!
"Ganun pala ha?! Heto sa'yo!" - Camie.
Laking gulat ko na lang din nang bigla ring tinapunan ni Camie ng flour ang ulo ko.
"Hahahaha! Aba! Bagay rin pala sa'yo eh! Lolo Luke! Hahahahaha!"- Camie.
Oo, tumawa rin siya ng tumawa nang makita rin niya ang ulo ko na punong-puno na rin ng flour.
Dahil doon, gumanti na naman ako sa kanya at tinapunan ko rin siya ng flour. Naggantihan lang kami sa pagbato ng flour at naghabulan pa kami sa buong kitchen.
Ngayon lang ulit ako sumaya ng ganito.
Tinapunan niya ulit ako ng flour kaya may naisip na naman ako. Naisip kong magkunwari na natapunan ng flour sa mata. Haha!
"Aray!"
Para magmukhang mas kapani-paniwala ang drama ko, tumalikod ako at hinawakan ko ang mga mata ko na parang nasaktan talaga. Tignan lang natin kung hindi ma-guilty 'to. Hahaha!
"Shocks! Uy, o-okay ka lang? S-sorry." - Camie.
Hahaha! Ang bilis niyang naniwala! Effective yung acting ko! Hahaha! Hindi pa muna ako humarap para mas lalo siyang makonsensiya. Hahaha!
"Uy, sorry na. Kailangan ba ng first aid? T-tara, gagamutin kita. U-Uy, sumagot ka naman." - Camie.
Hahaha! Sige na nga! Baka maiyak pa ito dito ng wala sa oras eh. Mamaya isipin pa ng mga katulong na ako ang nagpaiyak sa kanya. Di pa man din ako marunong magpatahan ng umiiyak.
"Ang OA mo."
Sinabi ko yan habang nakatalikod pa rin ako para mas magulat siya pagharap ko. Haha!
"H-Ha?" - Camie.
Pagkasabi niya nun, bigla na lang akong humarap sa kanya at sumigaw.
"Okay lang ako! Hahaha!"
Hindi ko naman inaasahang pagkaharap ko, nandoon pala siya sa likod ko ng napakalapit. Pagharap ko kasi, halos konti na lang ang distansya ng mukha namin.
Ewan ko ba kung bakit parang may kakaiba akong naramdaman. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.
TIIIIIING!
Bigla na lang tumunog ang oven kaya nagulat kami pareho at bigla kaming naglayo. Parang pareho kaming natauhan sa mga nangyari.
Hindi ko naman inexpect na magiging awkward ang sitwasyon namin ng dahil lang sa naisip kong kalokohan na pagdadramang natapunan ng flour sa mata.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Fiksi RemajaSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?