-Camie's POV-
Semestral break na namin ngayon. Ilang buwan na rin ang lumipas simula noong nagkaroon ng issue at noong nagpa-presscon kami para mai-linaw yung tungkol sa issue.
Hindi ko na sasabihin ang nangyari noong araw ng presscon. Alam niyo naman nang gisado kaming anim doon at binato kami ng iba't ibang tanong diba? -_____-
Siyempre, kasama rin sa mga tanong nila yung tungkol sa pagiging engaged namin ni Luke at yung sa kung anong relasyon ang meron kami ni Josh.
Dahil napag-usapan na namin yun at prepared kami sa mga isasagot at pati na rin sa "props", ipinaliwanag lang namin sa kanila na engaged kami ni Luke at bestfriend ko lang si Josh.
Nang hindi pa rin sila naniwala sa paliwanag, nilabas na namin ang mga props namin. Ai, actually, ako lang pala ang may dala ng props dahil nasa akin ang engagement ring at ang picture namin ni Josh noong mga bata pa kami. -_____-
Ayun, nang nakita naman nila yung engagement ring at yung picture namin ni Josh, medyo natahimik na sila at medyo tinigilan na rin nila ang pagtatanong tungkol doon sa issue.
Dahil medyo humupa na ang dating naglalagablab na issue, sumunod naman nilang tinanong kung bakit nandito rin yung tatlong ka-grupo ni Luke sa grupo nilang Pretty Flower Boys.
Ang sagot nila, siyempre unang-una sa lahat, nabalitaan nila ang tungkol sa issue kaya nandito sila para depensahan si Josh.
Nang tinanong kung may iba pang dahilan kung bakit nandito sila, sinabi nilang balak din pala nilang mag-establish ng extension ng corporation nila dito sa Pilipinas.
Grabe ang apat na yun! Sa sobrang sikat nila, kumita at yumaman sila dahil lang sa pagmomodel nila at pag-eendorse nila ng mga produkto ng iba't ibang companies!
Pero mabuti namang naisipan nilang apat na mag-establish ng isang corporation. At least, maayos ang pinaggagamitan nila ng pera at sa paggamit nilang yun, patuloy pa rin silang kumikita.
Kung mag-model din kaya ako noh? Wag na oy! Joke lang yun! Haha! :P
Unti-unti na ring nag-sink in sa utak ko ang pagiging model ni Josh. Noong una talaga, hindi pa rin ako makapaniwala dahil babago ko lang nalaman yun.
Di ko talaga akalaing yung maliit na batang "one sit apart" ang ngipin na kasakasama ko noon, magiging model pala ngayon. Haha :)
Dahil doon sa pangyayaring yun, napag-usapan na namin ni Josh na wala na dapat kaming ililihim sa isa't isa dahil nga magbestfriend kami.
Sinundo niya ako kanina sa bahay namin. Papunta dapat kaming mall pero may nakalimutan daw siya sa condo niya kaya nagbalik kami dito sa condo niya.
Ngayon, nandito pa rin ako sa condo niya habang hinihintay ko siya at habang hinahanap niya yung nakalimutan niya.
Kasama ko dito yung tatlong itlog at nakikipagkuwentuhan din ako sa kanila. Kuwela din pala itong tatlong ito at ang sarap din nilang ka-kuwentuhan. Naglolokohan pa nga kami ngayon eh. Haha :)
"Camie, bakit ka ba kasi um-oo kaagad doon kay Luke?" - Redge.
"Kasi...mahal ko siya? Ha-ha-ha."
Aish! Really Camie?! REALLY?! -_____-
Haay naku! Pasalamat sila dahil hindi ko masabi sa kanila yung totoong reason na dahil lang naman sa agreement at fake engagement namin ni Luke kaya hindi ako nakatanggi eh! -_____-
Pero bakit ganun?
Dati, mas ginugusto kong magreklamo kay Luke at sabihing wag na lang ituloy itong pagiging fake engaged namin.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Novela JuvenilSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?