Chapter 63: Airport

3.9K 52 3
                                    

-Camie's POV-

Sa mga nakalipas na linggo, hindi pa rin nawawala sa isip ko yung mga nangyari noong mga nakaraang araw.

Lalo na yung pagbe-break namin ni Luke. Yun ang pinakamasakit na alaalang hindi ko pa makalimutang tuluyan.

Akala ko nga, si Josh pa ang unang makakalimot doon sa pangyayaring yun. But no. Naalala pa rin niya at nagtanong pa rin siya sa akin ng tungkol sa kung anong nangyari.

Ako naman, dahil alam ko namang mapagkakatiwalaan naman si Josh dahil siya ang bestfriend ko, sinabi ko na rin sa kanya ang nangyari.

Pagkatapos ng mga pangyayari, naisipan ko na lang na magpaka-busy sa mga gawain para makalimutan ko yung mga yun ng kahit sandali lang.

Itong mga nakaraang linggo din kasi, nagpaka-busy ako sa pag-aayos ng mga papeles ko. Tinulungan naman ako ni Josh sa pag-aayos.

Oo, pagkatapos ng pangungumbinse namin kay Daddy, pumayag din siyang sa Korea na lang ako pupunta kasama sila Josh instead na sa France.

Inayos na ng PFB lahat ng mga pansamantala nilang iiwan dito sa Pilipinas. Nag-hire na rin sila ng mga tao na magmamanage sa construction site nung PFB Corporation extension.

Bukod doon, pare-pareho na rin kaming nag-file ng honorable dismissal sa university dahil aalis na rin naman kami.

"Josh, nai-karga niyo na ba lahat ng bagahe?" - Daddy.

"Yes Tito." - Josh.

"Anak, kumpleto na ba yung mga gamit mong nandiyan sa sasakyan?" - Mommy.

"Opo."

Ngayong araw na nga pala ang flight naming lima papuntang Korea. Si Josh, Redge, Brad, Cliff at syempre, ako.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon