-Luke's POV-
Kailangan kong umisip ng paraan para mabantayan ko yung may siyapak na babaeng yun. 12:00 am na pero di pa rin ako natutulog sa kakaisip ng paraan. -_____-
Bigla na lang tumunog yung phone ko kaya naman kinuha ko ito kaagad. Pagkakuha ko sa phone ko, in-unlock ko ito at binasa ko ang message.
From: Archie
Hello po Kuya Luke! Ano po activities niyo bukas? Kailangan daw po kasi ng picture niyo para sa University paper eh.
Si Archie pala. Siya yung nerd na photographer ng newspaper namin sa university. Siya rin yung nagmumukhang stalker ko dahil sunod siya ng sunod sa akin habang kinukuhanan ako ng pictures sa University. -_____-
Teka...
Alam ko na!
[FAST FORWARD - Kinabukasan]
-Josh's POV-
Sa wakas, makakasama ko na ulit ang bestfriend ko. Matagal din kasi kaming hindi nagkita simula noong mag-migrate ang family ko sa Korea. Korean kasi ang Mommy ko eh.
Ngayon, buong araw ko siyang makakasama. Dahil sa sobrang excitement ko, napakaaga kong gumising at nag-ayos kanina.
9:15 na ngayon at papunta na rin ako sa bahay nila Camie sakay nitong kotse kong matagal kong iniwan sa parking lot ng condo.
Naipapa-maintain pa kaya ito nung inutusan kong vallet noon? Bago kasi ako umalis dito sa Pilipinas noon, may pinagbilinan ako nitong kotse ko.
Dahil nga rin sa sobrang excitement ko, sumakay na ako kaagad sa kotse ko at nagdrive na papunta kila Camie.
Hindi ko na natanong yung ibang mga vallet kung okay pa itong kotse ko. Mukha namang okay pa kaya hindi naman siguro magkakaroon ng problema mamaya.
After 15 minutes, nakarating na rin ako sa tapat ng bahay nila Camie. Nag-park na muna ako sa may gutter.
Pagka-park ko ng kotse ko, bumaba na ako kaagad at nag-doorbell na rin ako. Pagka-doorbell ko naman, agad akong pinagbuksan ng isang yaya.
Pagkabukas nung pinto, tinignan ko kung sino ang nagbukas. Si Yaya Cita pala.
"Hi Yaya Cita!"
"Kilala niyo po ako thir (sir)?" - Yaya Cita.
"Oo naman po. Yaya, kinalimutan niyo na yata ako eh."
Nagkunwari pa akong nalungkot. Pagkatingin ko naman sa kanya, parang nanlaki ang mga mata niya.
"Thir (Sir) Joth (Josh)?" - Yaya Cita.
Ganyan talaga ang pronunciation ni Yaya Cita sa letter "S". Nagiging "Eth" ang letter "S" pag thiya na ang bumibigkath. Thabi nila, pag ganito daw, maikli daw ang dila.
Ai? Nahawa na yata ako ah. Hahaha :P
"Ako nga po Yaya. Haha."
"Naku! Pathenthiya (Pasensya) na po kung hindi ko kayo nakilala kaagad. Akala ko po kathi (kasi) bithita (bisita) ni Ma'am Camie eh. Hahaha." - Yaya Cita.
"Akala ko talaga hindi mo na ako makikilala eh. Haha."
"Naku thir (sir)! Thobrang (Sobrang) gumwapo po kathi (kasi) kayo kaya di ko kayo nakilala kaagad. Hahaha! Hali po kayo, pathok (pasok) kayo." - Yaya Cita.
"Kayo talaga Yaya. Lagi niyo na lang akong binobola. Haha."
"Totoo naman po thir (sir) eh. Ai, upo muna po kayo habang hinihintay niyo thi (si) Ma'am Camie." - Yaya Cita.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Teen FictionSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?