Chapter 12: Permission

7.1K 117 0
                                    

-Camie's POV- 

After a few minutes, nakarating na rin kami ni Kuya Jay sa bahay. Iginarahe na niya ang kotse at pagka-park niya ng kotse, bumaba na ako at pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok ko, nadatnan ko naman si Mommy na nanunuod ng tv kaya pinuntahan ko na rin muna siya.

"Hi Ma."

"Oh, hi anak! Halika, upo ka dito sa tabi ko." - Mommy.

Ginawa ko naman ang sinabi niya at lumakad na ako papunta sa kanya. Pagdating ko sa may sofa, umupo na ako sa tabi niya.

"So, kamusta naman ang first day mo as Sophomore anak? " - Mommy.

"Okay lang Ma. Napakaraming mga unexpected na mga pangyayari sa araw na ito."

"Like what? Kuwentuhan mo naman ako." - Mommy.

Sasabihin ko ba sa kanyang naging alipin ako ng anak ng may-ari ng University dahil sa carelessness ko?

Aish! Wag na lang. Ayoko. Baka kung ano pang sabihin sa akin ni Mommy.

"Well, nagkita ulit kami ng ilan sa mga dati kong blockmates kaninang umaga. Then, masaya yung Physics 21 ko."

"Talaga? It's good that you're enjoying your Physics subject. Ano nga bang meron sa Physics mo? " - Mommy.

"Kasi Ma, akala ko hindi kami magkakasundo nung professor. Sir Angelo ang name niya. Pero nung nagtagal, na-realize kong mabait naman pala siya at gwapo pa! "

"Wow. Nung nag-aaral pa ako ng college, bihira ang mga professors na mababait. Karamihan kasi mga grumpy, old professors. And worse, mga terror. Haha." - Mommy.

"Actually, bago pa lang siya Ma. Fresh graduate siya ng Harvard University. Siyempre, dahil doon siya graduate, maraming mga opportunities ang naghintay sa kanya. Pero ayan, pinili niyang magturo sa University."

"Ah, kaya naman pala. So, he's still young. And infairness, matalino siya." - Mommy.

"Yes Ma. At hindi lang yun! "

"Oh, ano pa? " - Mommy.

"Pumunta ako sa mall ni Tita Chloe para bumili ng damit, shoes and accessories. Guess what! "

"What? " - Mommy.

"Nagkita ulit kami ni Sir Angelo doon, unexpectedly! Tinulungan niya akong magbuhat nung mga pinamili ko and...and...kumain kami sa Mcdo, treat ko. And there, he offered friendship! Ang saya ko lang Ma! "

"Oh wow. Anak, wag mong sabihing may crush ka na naman pati sa professor mo? Kilalang-kilala na kita. I'm your Mom. Wala kang pwedeng itago sa akin. Hahaha." - Mommy.

"Ma naman. Crush lang naman eh. It doesn't mean anything. Haha."

"See? Buti na lang inamin mo this time. Kung hindi, mapipilitan na naman akong paaminin ka. Haha." - Mommy.

"Ma naman. Sige, tawa pa."

"Pero seriously anak, friends na talaga kayo ng professor mo? " - Mommy.

"Opo."

"Well, that's great. Magandang start na yan for your sophomore year." - Mommy.

"Kaya nga Ma eh."

"Wait, maiba ako. Bakit ka nga pala pumunta sa mall ng kapatid ko? " - Mommy.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon