-Camie's POV-
Pagpasok namin sa eroplano, binitawan na ni Josh ang kamay ko. Lumakad na rin naman kami papunta sa kanya-kanya naming upuan.
Dahil sa business class kami, medyo magkakahiwalay ng konti yung mga upuan namin. Tinulungan naman ako nila Josh sa paglalagay nung mga gamit ko.
Pagkatapos naming ilagay yung mga gamit, umupo na kami. Si Josh naman, lumapit muna sa akin.
Dahil maluwag yung upuan sa business class, nakitabi muna siya sa akin sa upuan ko sandali at kinausap naman niya ako.
"Okay ka lang ba talaga?" - Josh.
"Don't worry about me, Josh. Sabi ko nga, I'll be fine. Thank you nga pala."
"For what?" - Josh.
"For saving me. Kamuntik na naman akong umiyak kanina. Buti na lang hinigpitan mo yung hawak mo sa akin."
"I'll do anything for you. Hindi mo pwedeng ipakita sa kanya na weakness mo siya. That's why I did that." - Josh.
"Thank you talaga."
"Sige. Just sit back there and get some rest. After a few hours, we'll be arriving in Korea." - Josh.
"Okay."
Sana nga, sa pagtira ko sa Korea, makalimutan ko na lahat ng mga masasakit na nangyari sa akin sa Pilipinas.
-Josh's POV-
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Camie, lumakad na ako pabalik sa upuan ko. Bago ako bumalik, chineck ko muna yung tatlo pang PFB.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Novela JuvenilSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?