Chapter 44: A Fan-free Day

4.9K 72 0
                                    

-Camie's POV-

Nakasakay na kami nitong Pretty Flower Boys dito sa limousine nila. Napaka-luwag dito sa loob! Haaay! Nagmumukha tuloy akong hampas-lupa dito na parang babago lang nakasakay sa ganito!  -_____-

Actually, babago lang naman talaga ako makasakay sa ganito eh.  -_____-  Sabi ko nga sa inyo, hindi mahilig si Daddy sa ganitong mga luxury cars kaya di siya bumibili ng ganito. At isa pa, ayaw niya kaming i-spoil kaya ganun.  -_____-

Anyways, papunta na kami sa C-mall ngayon. Nasabihan ko na rin si Tita Chloe na magpasunod ng security sa amin para hindi kami dumugin ng fans nitong apat.

Nasabi ko na rin sa kanya na gagamitin na muna namin yung nakalaang VIP parking space para sa family namin para hindi madaling ma-access ng mga fans at press itong limousine.

Nasabi ko na ba yung reason kung bakit pupunta kami sa mall ngayon?

Balak kong bumili ng flowers sa mall. 5th death anniversary na rin kasi ni Ate Calee bukas (October 24).

Wala lang kasi talaga akong kasamang pupunta sa mall kaya nagpasama na rin muna ako kay Josh. Pinaliwanag ko na rin kanina dito sa tatlo pa naming kasama yung purpose ng pagpunta namin ng mall.

Ayun, gulat na gulat din silang tatlo dahil babago lang din nila nalaman na may ate ako dati. Siyempre, sinabi ko rin sa kanila na priority namin ang pagbili ng flowers at nag-agree naman silang lahat.

Hindi pa rin nakauwi sila Mommy at Daddy mula Italy. Sabi kasi nila, may nag-offer daw sa kanila doon ng magandang business deal.

Kaya, ayun. magsstay muna sila doon para ayusin yung agreement nila nung nag-offer sa kanila ng business deal. Nakakalungkot na ako lang ang makakasama ni Ate Calee bukas. :(

Sa bagay, kahit naman ako lang ang kasama niya, makakapag-bonding pa rin kaming dalawa at makukuwentuhan ko siya ng mga pangyayari sa buhay ko sa mga nakaraang araw at buwan. :)

Ang weird din tuwing binibisita ko ang puntod ni Ate Calee. Kasi, everytime na bumibisita ako at may sinasabi ako sa kanya, napapanaginipan ko naman siya sa gabi.

Alam niyo yung parang sa panaginip ko, sinasagot niya yung mga tanong ko at nagbibigay siya ng advice sa mga sinabi ko sa kanya nung araw na bumisita ako?

Ganun ang lagi kong panaginip sa kanya. Kaya nga hanggang ngayon, alam kong binabantayan pa rin kami ni Ate Calee kung nasaan man siya.

Kung dati naman, nagpapasama ako kay Luke, ngayon parang ayoko na rin. 

Ang weird lang ng pakiramdam ko kasi parang naiilang na ako pag kasama ko siya. Hindi ko nga lang din talaga maintindihan kung bakit.  >_____<

"Camie? Camie? Huy!" - Josh.

Nagulat naman ako kaya humarap na ako sa kanila na parang natauhan na rin nang ginulat ako ni Josh.

"H-ha? Ano? Bakit?"

"Grabe. Alam mo bang lunod na lunod na kaming apat dito dahil mukhang napakalalim ng iniisip mo kanina pa? Haay." - Cliff.

"Ai, sorry naman."

"Camie, na-contact mo na ba talaga ang tita mo? Sinabi mo na ba talaga sa kanya na bigyan tayo ng security?" - Redge.

"Ha? Oo, bakit?"

"Tumingin ka kaya sa labas." - Brad.

"Bakit? Anong meron?"

Tumingin naman ako sa labas. Pagtingin ko naman, ngayon ko lang din napansin na napakaraming mga tao ang nag-aabang sa labas. Teka...

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon