-Camie's POV-
"Totoo ba itong mga nangyayari ngayon?" - Tito Luis.
May humawak naman sa balikat ko mula sa likuran kaya napalingon ako. Nang tinignan ko kung sino, si Daddy pala.
"Anak, totoo bang si Luke ang sinasabi mo sa amin na fiancé mo?" - Daddy.
"Y-yes Dad. Siya nga po."
Masyadong seryoso ang mga mukha ng mga magulang namin ni Luke. Nang tinignan ko naman siya, naka-straight face lang siya.
Ano ka ba naman?! Wala ka bang sasabihin?! Hindi mo ba ako tutulungan dito?! Parang ako lang yata ang kinakabahan eh!
Napansin ko na lang na nagkatinginan ang mga parents namin. Una, si Mommy at Daddy ang nagkatinginan tapos si Tito Luis at Tita Andrea. Nang sumunod naman, nagkatinginan na silang apat.
Kinakabahan na talaga akoooooooo! Paano na lang kung...
"Kumpare, wala naman na pala tayong poproblemahin sa mga anak nating ito eh. Hahaha!" - Tito Luis.
Huh?!
"Tama ka kumpare! Kung sila lang din ang magkakatuluyan, wala na akong tutol diyan." - Daddy.
Dad?! Ikaw ba yan?! Tama ba ang mga naririnig ko?! Sa'yo ba talaga galing ang mga salitang yan?!
"Akalain mo nga naman oh. Naku iha! Botong boto ako sa'yo para kay Luke!" - Tita Andrea.
WOAH?!
"Anak, sabi ko na nga ba't pipili at pipili ka ng karapat-dapat para sa'yo eh!" - Mommy.
Bakit ba parang nag-iiba ang ihip ng hangin ngayon?! Mom?! Ikaw rin ba talaga yan?! Ano 'to?! Ibig bang sabihin, payag silang lahat sa (fake) engagement namin?!
"Pumapayag na po kayo?"
"Oo naman anak! Basta ba i-promise niyo sa amin na tatapusin niyo muna ang college education niyo before the wedding." - Daddy.
Ooooooookaaaaaay?! Ang bida niyo, slack-jawed na ngayon.
Nang tinignan ko naman si Luke, aba! Nakangiti pa talaga!
"Thank you po Tito, Tita, Mom, Dad. Opo, promise namin, tatapusin muna namin ang college." - Luke.
"Luke, bakit naman kasi hindi mo sinabi sa amin ng daddy mo na si Camie pala ang real fianceé mo?" - Tita Andrea.
Wow. REAL fiance daw eh noh?!
"Ma, di ko rin naman kasi alam na sila Tito Robert at Tita Clarisse pala ang parents ni Camie eh. Ngayon pa lang po dapat ang pag-iintroduce namin to both families." - Luke.
Sumingit naman ako sa usapan.
"B-but since magkakakilala naman na po pala tayo, di na po pala kailangan ng introduction. Ha-ha-ha."
"Son, this time, masasabi kong may nagawa ka nang tama. Haha." - Tito Luis.
"Thanks Dad. So, paano po? Ituloy na natin itong dinner? Kanina pa tayo nakatayo dito eh." - Luke.
"Naku, oo nga pala. Let's all sit down. Ipapahanda na namin ang dinner." - Tita Andrea.
Sabay-sabay naman kaming umupo. Ang pwesto namin:
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Novela JuvenilSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?