-Camie's POV-
Nagbiyahe na kami ni Kuya Jay. Dahil naabutan kami ng traffic, medyo nagtagal din kami sa daan. After 30 minutes, nakarating na rin kami sa University.
Pagkarating naman sa University, hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako ni Kuya Jay ng pinto at agad ko nang binuksan ang pinto at lumabas na ako.
"Thank you Kuya Jay."
"Si Ma'am talaga oh. Hindi niyo na naman po ako hinintay na magbukas ng pinto niyo." - Kuya Jay.
"Okay lang yun Kuya Jay. Tsaka bakit po ba kasi "Ma'am" pa ang tawag niyo sa akin? Pwede naman pong Camie na lang ang itawag niyo sa akin eh."
"Hindi po pwede Ma'am eh. Tsaka nakasanayan ko na rin naman pong tawagin kayong Ma'am." - Kuya Jay.
"Sige na nga kuya. Sabi mo eh. Haha. Sige po, una na po ako."
"Sige po Ma'am. Ingat po." - Kuya Jay.
"Ingat din po kayo sa pagda-drive Kuya Jay. Basta ha? 3 pm niyo na lang po ako sunduin."
"Sige po Ma'am. Punta na rin po ako." - Kuya Jay.
"Bye Kuya Jay!"
Pagkasabi ko niyon, pinaandar na ulit ni Kuya Jay ang sasakyan at umalis na rin siya sakay nito. Ako naman, naglakad na ako papasok ng campus.
Time check, 7:35 am. Sobrang aga pa pero paglakad ko sa loob ng campus, marami nang mga students at ibang staff na nadoon.
Makatingin naman itong mga ito parang mangangain ng tao! Bahagya akong yumuko at medyo tinakpan ko ng buhok ko ang mukha ko.
Para naman na kasi akong matutunaw sa mga tingin ng mga tao sa akin! Sumulyap naman ako sandali at napansin kong nagbubulungan na sila habang nakatingin sa akin.
Ano bang nagawa kong kasalanan? May hindi ba ako sinunod na school rules and regulations? May nagawa ba akong mali?! Makatingin naman ang mga ito para namang public enemy ako, criminal or something!
Dumire-diretso na ako sa paglalakad hanggang nakarating ako sa may bench malapit sa room ng first subject ko ngayong umaga.
Naupo muna ako sa bench. Ooookaaay? BORING! Wala akong magawa dito. Mag-isa na naman ako. LONER na naman ako dito!
Bigla namang nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bag ko. Pagkakuha ko ng phone ko, in-unlock ko ito kaagad at binuksan ang message.
From: LZS
Nasaan ka? Pwede ba tayong mag-usap ngayon?
Nagtype naman ako kaagad ng irereply ko sa kanya.
To: LZS
Nandito ako sa College of Communication.
Agad naman ulit nag-vibrate ang phone ko kaya in-unlock ko na naman ito at agad ko na ring binuksan ang message para mabasa ito.
From: LZS
Sige, papunta na ako diyan.
ANOOOO?! Siya?! Papunta dito?! Bakit parang ang aagang pumasok ng mga tao dito sa University ngayong araw? May event ba?
Haaay...wala pa talaga akong tulog! Kaninang gusto kong matulog, hindi ako inaantok. Ngayon namang kailangan kong maging gising at maging alert, tsaka naman ako dinalaw nitong antok na ito! >.< Bad timing talaga ang pagka-antok kahit kailan!
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Teen FictionSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?