Twitter Hashtag: #FakeEngagementWP
A/N: Guys... comments and votes, please? :)
----------------------------------------------------------------------------------
-Camie's POV-
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Tinignan ko ang oras. Pagkatapos kong tignan ang oras, pinatay ko ang alarm clock, nagtalukbong at natulog ulit.
Pagkalipas ng ilang segundo, natauhan naman ako nang maalala ko ang nakita kong oras. Sinipa ko ang kumot ko pababa at bigla naman akong umupo.
"MALELATE NA AKOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! "
7 am na pala! Ano ba naman yan! Unang araw pa man din ng pasukan at sophomore na ako sa University ngayong taong ito.
Agad akong bumangon at pumasok na sa CR para maligo. Pagkalipas ng sampung minuto, lumabas na ako ng CR at pumunta na ako sa walk-in closet ko para magbihis.
Naghanap agad ako ng isusuot ko. Simpleng damit at sapatos na lang ang isinuot ko. Wala naman kasing ini-require na uniform sa college na pinapasukan ko kaya parang everyday is washday.
Pagkasuot ko ng damit at sapatos ko, lumabas naman na ako at nag-ayos ng kaunti sa harap ng salamin. Nagsuklay na ako at naglagay ng kaunting powder sa mukha para di maging oily mamaya sa school. Pagkatapos kong mag-ayos, inayos ko na rin ang mga gamit ko pati ang bag ko.
Nang naayos ko na ang lahat-lahat, kinuha ko na ang shoulder bag ko at ipinatong ko na ito sa lamesahan. Sumaglit ako para tignan ang wrist watch ko. 7:20 am na ang oras.
May 40 minutes pa ako para gawin lahat ng dapat kong gawin. Kailangan ko na talagang magmadali.
Agad akong bumaba ng hagdan at nakita ko naman silang kumakain na ng almusal.
"Good morning Ma! Good morning Dad!"
"Good morning anak! " - Mommy.
"Anak, madali ka na. Malelate ka na sa school." - Daddy.
Agad kong hinila ang isang upuan at umupo na rin ako. Pagkaupo ko, kumain na rin ako ng mabilisan, uminom, at natapos na rin.
BINABASA MO ANG
Fake Engagement
Teen FictionSa isang iglap, napasok ka sa isang magulong sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon ka ng "instant" fiancé at napasok ka rin sa isang fake engagement. Ang lahat ng iyon...dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. Kakayanin mo kaya ang ganito?