Chapter 4

9.8K 93 13
                                    

Napatayo si Gerald sa kinatatayuan ng makita ang suot ni Sarah sa opening ng show niya. Pati mga kaibigan at kasamahang artista na kasama niyang nanunuod ay napasigaw din.

"Wow!!!" New Sarah talaga ang 2013! Buti pinayagan ng mommy niya na ganyan ang suot." Hindi napigilan ni Nhila ang bibig. Napatingin ito kay Gerald na nakatayo pa rin. Hindi makapaniwala sa nakikita.

"Dapat lang no, its about time, sayang naman ang kaseksihan niya kung lagi na lang balot na balot pag nag pe perform. Sigurado madaragdagan na naman ang mga lalaking nagpapadala ng bulaklak kay Sarah G. Go Sarah!!" Sabi naman ng isang baklang reporter.

Tiningnan ng masakit ni Gerald ang reporter. "Kahit naman balot na balot siya, hindi naman naaapektuhan ang performance niya. She doesn't have to show skin para lang masabihang sexy siya." Nahalata ang galit sa boses ni Gerald.

Nagulat ang reporter sa tinuran ni Gerald. Napatingin ito kay Nhila, ang handler ni Gerald.

"Wala kang narinig ok? Pagpasensyahan mo na. Hanggang ngayon yata feeling niya boyfriend pa rin siya ni Sarah." Bulong ni Nhila sa reporter. Balato mo na sa amin , huwag mo ng isulat please.

"Naku, yang alaga mo bakit kasi deny ng deny on cam eh off cam naman halatang ded na ded pa rin kay Sarah. Nakaka imbyerna siya ha. Kung hindi ka lang mabait , ibinuko ko ng matagal yan."

"Kaya naman love na love ka rin namin." Sabi na lang ni Nhila sa reporter.

"Ano Ge, hindi mo na ba panonoorin , hindi ito naka record ma mi miss mo napaka seksing suot ng ex mo." Pang asar na sabi ng reporter.

"Shhhh, tigilan mo na," bawal ni Nhila sa kaibigang reporter.

Tiningnan ni Nhilla si Jalal, "naka record yan sa bahay ." sagot n Jalal.

Naririnig pa rin ni Gerald ang mga comments ng mga nanonood ng Sarah G. Live. Pati sina Piolo at Jake ay napa wow.

"Man , she is hot!" Hindi mapigilang sabi ni Jake.

"Naks naman si Bebe Sarah, dalaga na talaga." Nakangiting sabi naman ni Piolo.

Lumayo na lang si Gerald sa grupo. Nagsisikip ang dibdib niya sa inis at pagkabigla at the same time nagtataka kung paanong napapayag si Mommy Divine sa outfit na yun.

******

Napanganga si Sam na nanonood sa kwarto niya. Napatawag siya ng di oras kay Sarah.

"Sars, I was speechless here watching your show. You are hot!!"

Napahagikgik si Sarah sa narinig. "Hot ka diyan. Anong sinasabi mo ba?"

"Yung suot mo sa opening, ano yun? First time ka yatang magsuot ng ganoon ka short ha at ang stocking parang wala lang."

"Hinde ba pangit tingnan? Hindi ko pa napanood."

"Nakakagulat pero hindi naman siya pangit tingnan. Sigurado ako madaragdagan na naman mga flowers na natatanggap mo after tonight. "

"Hay, hayaan mo sila. Basta sa ikagaganda ng performances , sige lang. Dati kasi para lang mapagbigyan si mommy, kahit na medyo asiwa sa theme ng production number , pinagbibigyan na rin, this year medyo may pagbabago."

"That's good Sars, happy for you."

"Thank you."

"What about that dinner date I've been waiting for, when can we have it?"

"I am free tomorrow night if you are free." Sagot ni Sarah.

"I am free , even if I am not, I will make sure I am." Excited na sagot ni Sam.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon