"Sigurado ka na ba anak sa desisyon mo? Hindi mo na kailangang sabihin pa sa amin dahil ng isuot mo kanina yung singsing , alam na namin. Nasa tamang edad ka na, kahit na alinlangan kami at may mga kaba sa dibdib namin, buhay mo yan. Palagay naman namin, napalaki ka namin ng maayos."
"Mahal ko po talaga siya. Makikipagsalapalaran po ako. Pinilit ko naman pong mabuhay ng malayo sa kanya pero hindi ko din po kaya kahit na anong pagkukuwanri ang gawin ko. Kahit anong isip ang gawin ko , paniwalaan mga nababasa at naririnig ko tungkol sa kanya. Tungkol sa mga babae sa paligid niya, pag naalala ko siya at ang mga ginawa niya para sa akin , nakakalimutan ko na yung mga ginawa niyang nakasakit sa akin. Ang nakikita ko na lang yung Gerald na nagmamahal sa akin. "
Nakayuko si Sarah habang sinasabi niya ito sa mga magulang niya na nakatingin lang sa kanya.
"Ginawa na rin namin ang alam namin na makakabuti saiyo anak, sa personal at career mo. Nakita rin naman namin na pinilit mong sundin ang mga payo namin. Nakita rin namin kung gaano naghihirap ang kalooban mo kahit pilit mong itinatago. Itong mga nakaraang linggo, nagpipilit kang ipakita na kaya mo na ring maging independent , magkaroon ng sariling desisyon at the same maging mabuti pa ring anak at kapatid." Naiiyak na sabi ng Mommy ni Sarah
Nagpapasalamat kami sa Diyos na biniyayaan kami ng anak na gaya mo. Hindi lang kaming magulang mo ang natulungan mo , pati mga kapatid mo nabigyan mo rin ng magandang buhay. Kung hindi dahil saiyo baka hanggang ngayon, isang kahig isang tuka pa rin tayo. Naghihikahos sa buhay. Salamat sa Diyos dahil kahit alam na alam mong ikaw ang bumubuhay sa pamilya mo, hindi ka naging mapagmataaas o naging maldita. Nanatili kang mabait, ma respeto at ngayon higit kelan man , mas naiintindihan na namin kung bakit may mga pagkakataon na hindi ka din nakinig sa amin. Kung sana mas naging maunawain at mas naging open kami sainyong dalawa , disin sana , hindi umabot sa ganitong kumplikadong sitwasyon ninyo. "Mahabang dugtong ni Daddy Delfin.
"Mahal na mahal ko po kayo, pinilit ko pong sundin ang payo ninyo. Kung may nangyari po sainyo nuong nagtanan kami ni Gerald, hinding hindi ko po mapapatawad ang sarili ko. Kung may pinagsisihan man po ako, yun pong naging nagpadalos dalos kami ng desisyon at hindi naghintay gaya ng payo ninyo sa amin nuon."
HInding hindi nila makakalimutan ang mga panahong yun. kabi kabilang intriga ang lumalabas tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Gerald. Hindi pa rin nila inaamin na sila na.Ang nakakaalam lang ay ang malalapit nilang kaibigan at pamilya. Ang mga detractors nila ginagawa ang lahat masira lang ang maganda nilang samahan. Kung ano anong intriga at maling balita ang pinalalabas. Una ng lumabas ang tungkol sa balitang kasal na si Gerald na naging dahilan para maalarma mga magulang ni Sarah. Pinagsabihan silang huwag na munang masyadong maglalabas na magkasama. Naramdaman ni Gerald na tumamlay ang pakikisama ng pamilya ni Sarah sa kanya dahil sa sunod sunod na paglabas ng mga balita tungkol sa mga babaeng nauugnay sa kanya. Dumating sa point na pakiramdam ni Gerald ay hindi na siya welcome sa bahay nila Sarah.
Pinaliliwanag naman ni Sarah na nag iingat lang ang parents niya. Napapansin daw kasi ng mga ito na masyado na silang masyadong nagiging seryoso at hindi pa rin mamatay matay ang mga balita sa kung sino sinong babaeng nauugnay sa kanya. Basta nag out of town show na si Gerald. asahan mong may balita tungkol sa babaeng nakitang kasama niya sa ganoong bar or gathering.
"Kung kami lang ang masusunod anak, mas gusto namin na maghintay hintay ka pa rin ng konting panahon. Nasa kalagitnaan pa rin siya ng intriga. Nag aalala lang kami na mapapagitna ka sa kainitan ng issue tungkol sa kanila ni Maja. Paano mo ipapaliwanag ang tungkol sainyo? Ang alam ng mga fans , ng media matagal na kayong break. Wala na kayong communication tapos bigla aamin kayong mahal na mahal pa rin ninyo ang isat isa? Paano mo aamnin na isang araw bigla na lang kayong nagdesisyong magtanan at pumunta ng Hongkong? Na wala kaming kamalay malay , ilang buwan na pala ninyong plinanong magpakasal duon?
"Paano Mommy? Pareho naman kaming nahihirapan pag hindi kami nagkikita? Ayaw ko na ring maglihim sainyo pag pumupunta ako sa condo sa Makati."
"Huwag muna kayong umamin sa tunay na relasyon ninyo. Palamigin muna ninyo ang issue tungkol sa kanila ni Maja, then saka natin palabasin na nagkabalikan uli kayo."
"HIndi na po kayo magagalit kung makikipagbalikan na uli ako sa kanya?"
"Tinanggap na namin siya bilang kapamilya nuon pa, yung paghihiwalay ninyo ay desisyon ninyong dalawa. Tutuong nagalit kami nuong nalaman naming nasa Hongkong kayo, sino naman ang hindi magagalit pero nanduon na yun. Mas maganda na nga rin na nakasal kayo, kung saka sakali mang mabuntis ka , at least masasabi nating wala namang masama kasi kasal na kayo.
Tumayo si Sarah at yumakap sa Mommy niya. "Thank you po, sana nga po hindi ako nagkamali ng desisyon na give it another try. Sana this time mas maging matatag ako at maging handa sa mga pagsubok na darating sa buhay namin."
Niyakap din siya ng Mommy niya. "Salamat din anak sa pagiging honest mo sa amin. Alam naman naming nahihirapan ka rin pero siguro nga dapat lang na bigyan mo pa ng isang pagkakataon ang relasyon ninyo at pag talagang hindi mag work out ay may reason ka na rin para mag move on."
Lumapit din siya si Sarah sa daddy niya. Malambing siyang yumakap dito. Niyakap din siya ng mahigpit . "Tandaan mo anak, nandito lang kami. May mga desisyon ka na hindi kami sang ayon pero hindi ibig sabihin nuon hahayaan ka na lang namin. Tanggap na namin ng mommy mo na nasa tamang edad ka na. Magkamali ka man sa desisyon mo sa bandang huli, asahan mo andito pa rin kami para saiyo."
Tumulo ang luha ni Sarah. "Alam ko naman po yun. Susundin ko po ang payo ninyo na magiging discrete muna kami. Tama nga po kayo na dapat lang palipasin muna namin ang issue tungkol sa kanila ni Maja. Maghihintay po kami ng tamang panahon para umamin."
Humalik uli ito sa daddy niya then sa mommy niya at nag good night na. Sinabi na rin niyang maaga siyang pupunta sa Makati. Tumango na lang ang mag asawa.
******
Gising pa rin si Gerald, Iniisip kung ano ang naging resulta ng pag uusap nina Sarah at ng mga magula ng nito. Na itext sa kanya ni Sarah na kakausapin nito ang mga magulang tungkol sa desisyon niyang pagpunta kinabukasan duon sa Makati at ang pakikipag usap sa kanya.
Malaki ang paggalang niya sa parents ni Sarah. Alam niya may panahon na nagalit ang mga ito sa kanya at hindi naman niya masisisi ang mga ito. Gaya ng lagi niyang sinasabi sa mga interviews sa kanya,para sa kanya normal lang ang mga reactions ng mga ito bilang magulang ng isang Sarah Geronimo.
Naalala niya sa sobrang galit o sama ng loob ng daddy ni Sarah sa kanila, naisugod nila ito sa hospital sa Hongkong dahil biglang nagsikip ang dibdib nito ng magkita kita sila sa duon. Sinabi ng doctor na mild lang naman ang atake at magandang naagaapan agad. Naalala niyang muntik ng umurong sa kasal si Sarah dahil sa pangayayaring yun pero dahil may nangyari na sa kanila, si Mommy Divine na rin ang nagsabing ituloy na ang kasal. Anot ano man, hindi siya magkaka apo outside marriage.
Yun na ang pinakamaligayang araw sa buhay niya. Tutuong nagpunta silang dalawa lang ni Sarah sa Hongkong. Hindi pa nga sila sabay ng flight pero ng maayos na nila lahat ng papers na kailangan, tinawagan din nila family nila at sinabing sana makarating sila. Ilang oras nga matapos nilang makausap ang mga ito ay nasa Hongkong na at kanya kanyang bigay ng galit at sermon sa dalawa lalong lalo na mga magulang ni Sarah. Hysterical ang mommy that time.Sa tindi na rin siguro ng stressed at pag aalala kay Sarah ng ilang araw na hindi nila alam kung nasaan ito ay nagsikip ang didbdib ni Daddyd Delfin. Agad agad naman nilang nadala ito sa emergency hospital.
Hindi niya malilimutan ang ilang araw nilang magkasama ni Sarah sa Hongkong. Yun ang binabalik balikan niyang alalahanin tuwing naaalala niya ito nuong mga panahong ayaw talaga siyang kausapin ni Sarah.
Ang bilis ng panahon. Ilang buwan palang ang nakakalipas pero ang dami ng nangyari. Ano nga ba talagang dahilan at nagkahiwalay sila ng ilang buwan?"