Napansin ni Maja si Sam na pinapanood sina Sarah na masayang nagbibiruan dahil na out of tune si Christian. Ang saya saya nila. Naramdam na naman ng inggit si Maja. Wala talaga siyang nagtatagal na kaibigan. Si Kim na akala niya ay BFF niya ay nagsawa na rin ang nilayuan siya partly dahil na rin kay Gerald. Naitanong kasi niya minsan kay Kim kung ok lang ba sa kanya kung maging sila ni Gerald. HIndi niya akalain na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin si Kim kay Gerald. At least ako tutuo sa sarili ko , hindi gaya niya na in denial pa. Napaismid si Maja ng matanaw na padating sina Kim at Xian na masaya ding nagkukuwentuhan habang naglalakad.
Nilapitan ni Maja si Sam.
"Hi Samuel, kumusta na? Mukhang hanggang tingin ka na lang sa mahal na ate Sars ha." Sabay beso sa binata.
"Hi Maj, how are you?" Nakangiti namang bati ni Sam kay Maja.
" OK lang din naman. Tapos ka ng nag rehearse? Di ba nasa opening ka din."
"Yap, all ready na ako. You? You ready?"
"Of course!" Masayang sagot ni Maja.
"That's good,"at binalik na uli ang tingin kina Sarah.
"She seems very happy!"
"Who?"
"The one you are watching since I came to greet you."
"Good for her.That's whatI ve been praying for. For her to be happy ."
"What about you? Don't you want to be happy too? Dapat ikaw din masaya di ba? Masaya ka ba?"
"Ako? Hindi one hundred percent pero masaya ako na makitang masaya ang mga mahal ko sa buhay. "
"Bakit kasi hindi mo pa pagpursigehan ang panliligaw, single naman siya ngayon di ba? Tingnan mo kami ni Gerald , super saya na namin."
"So are you saying na kayo na talaga ni Gerald?" Serysong tanong ni Sam.
"Hindi ba halata? Kita mo naman kung gaano kasaya si Gerald di ba? Di ba sabi niya sa The Buzz if I will let him? He will court me?
Tumango si Sam, Napanood niya ang interview na yun ni Gerald at gaya ng iba , hindi din siya kumbinsido na nagsasabi ng tutuo si Gerald. At gaya din ng iba, malaking quesion mark sa kanya ang hindi man lang pagbanggit sa pangalan ni Sarah sa interview na yun. Weird para sa kanya yun pero hindi na niya binanggit pa kay Maja. Hinintay na lang niya kung ano ang susunod na sasabihin nito.
"Hindi ko lang siya pinahuntulutang ligawan ako, sinagot ko pa siya agad agad. O diba , kitang kita naman ang saya namin?"
"Happy for both of you too then." Nasabi na lang ni Sam para lang iwanan na siya ni Maja. Nakakasawa na rin ang mga pa cute na pagsasalita nito. Nararamdaman naman niyang hindi ito nagsasabi ng tutuo. Sa nakikita niya, masaya si Gerald hindi dahil kay Maja. Masaya ito dahil nakausap nito si Sarah at malakas ang kutob niyang merong napagkasunduan ang dalawa. Matagal tagal din si Gerald sa dressing room ni Sarah. Alam niyang nanduon si Gerald bago mag umpisa ang rehearsal ng dalaga. Naunahan siya nito sa pagpunta. Dadalhan sana niya ng meryenda si Sarah pero hindi na siya tumuloy ng makita si Gerald na pinapapasok ni Evelyn. He was hoping na lalabas din ito agad pero hanggang sa time na niya para mag rehearse ay hindi ito lumabas. Halos magkasunod lang na dumating sa studio ang dalawa kaya alam niya kalalabas lang din ni Gerald ng dumating si Sarah para sa rehearsal.
Nagpaalam na lang si Sam kay Maja na magbibihis for the show, tutal tapos naman na silang mag rehearse ng mahalata niyang walang balak si Maja na iwanan siya.
******
Hinila ni Angeline si Sarah palayo sa mga kapwa nila Champions.
"Sars, napansin mo ba si Sam? Kawawa naman , hanggang tanaw na lang saiyo. Nanliligaw na ba siya saiyo?"