Chapter 62

6.7K 107 44
                                    

Makaraan pa ang ilang araw. Nakaalis na sina Sarah papuntang Paris. Ipinalabas na rin ang movie nila ni John Lloyd at gaya ng inaasahan , unang araw pa lang ay pinilahan na ng todo ng manonood.

Si Gerald naman ay nakabalik na rin galing sa scuba diving nila sa Batangas ng barkada kasama si Maja. Gaya ng dati may mga lumabas na mga pictures nilang dalawa. Nakuhanan pa silang magkahawak kamay. Abot abot ang tukso ni Sarah sa asawa ng makita ang mga pictures na yun.

"Kailangan talaga hawak kamay kayo hanggang sa ilalim ng dagat?Kaninong camera ginamit?Water proof ha!" Panunukso ni Sarah.

"Duon lang sweetheart dapat alam mo ng scripted yun, ikaw naman."

"Eh ano yung post mo sa instagram? May pa beautiful beautiful ka pa."

Natawa ng malakas si Gerald. "Sweetheart don't tell me nagseselos ka? Akala ko ba tapos na ang isssue about Maja? Ano to?"

"Kasi naman.kailangan ba talaga, holding hands pa kayo?"

"I was trying to assure her na nanduon lang ako,not to worry, medyo kinakabahan siya. First time niya yun." Paliwanag ni Gerald. Napapakamot na ito sa ulo. Hindi niya alam kung inaasar lang siya ng asawa or tutuong nagseselos ito. Last thing na gusto niyang mangyari ay magtalo sila pag ganoong nag uusap. Nakahinga ito ng maluwag ng marinig niya ang pigil na hagikgik ng asawa.

"Sweetheart naman, pinapakaba pa ako, akala ko talagang nagagalit ka na naman sa akin ." Malambing na reklamo ni Gerald.

"Ikaw naman kasi ang daling asarin. Nag text actually sa akin si Maja, ikinuwento kung bakit holding hands pa kayo. Ano ginagawa mo?"  

"Naghihintay ng tawag para sa eksena ko. Andito ako sa van, tinitingnan ko na naman ang ultrasound picture ng baby girl natin. Gustong gusto ko na ngang post sa instagram yung picture. Pinagsama ko picture nating tatlo. Buti nga tumawag ka, bigla kitang na miss."

"Sumunod ka na kasi kahit ilang araw lang. Hindi naman na siguro nila mapapansin kung ilang araw ka lang mawawala. Napanood mo na yung movie namin?"

"Hindi pa, sa sobrang haba ng mga pila kahit saag sinihan sweetheart, baka ako ang maging focus ng mga taong nakapila. Sobrang lakas ng movie ninyo. Marami nagsasabi,masisira daw ninyo ang record ng Sisterakas as highest gross movie of all time."

"Sana nga sweetheart, sige pagbalik ko panoorin natin ha."

"Oo sweetheart , sina Ate Nhila napanood na nila. It is your best movie so far daw kaya excited din akong mapanood. Relate na relate nga daw sila sa movie. Sabi pa nga ni Ate Peachy, baka daw sabihin ko sa ilang scenes, parang nangyari sa akin yan ah."

"Yun nga din pakiramdam ko Babe nuong napanuod ko yung movie. "

"Interesting, kailangan talagang mapanood natin ng sabay para mai-compare. Maalala ko sweetheart, nababasa o napapanood mo ba mga interviews kay John Lloyd lately?"

"Hindi, panay gala kami dito, pagdating namin sa place ni Ate, lahat kami pagod. Bakit mo naitanong?"

"Para lang kasi iba yung mga sinasabi niya. Aminin mo sweetheart, may gusto talaga saiyo si John Lloyd no? Nag try siyang ligawan ka uli."

Nuong hindi nakakibo agad ang asawa ay alam na ni Gerald.

"Hindi naman talaga siya nanligaw ,nahalata ko lang kaya medyo dumistansya na ako ng kunti. Mabait naman kasi siya sa akin pero don't worry sinabi ko  nasa kanya ang tutuo na hanggang pagiging magkaibigan lang pwede kong ibigay sa kanya. Ewan ba naaawa  ako sa kanya. Ang dami niya ding   pinagdadaanan. Sana makaya niya at huwag na. siyang bumalik sa dating gawi niya."

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon