Chapter 41

9.3K 112 27
                                    

Gustuhin mang puntahan ni Gerald ang asawa sa rehearsal nito ay hindi na niya nagawa. Marami daw reporters sa studio kung saan nag re rehearse si Sarah kaya minabuti na lang ni Gerald na umuwi muna sa bahay niya sa Quezon City. Matagal tagal na rin siyang hindi nakakauwi duon. Matingnan na rin niya ang progress ng  renovation.

Nagkumustahan sila ni Jalal sa sasakyan. Naikuwento ni Jalal na ilang beses tumawag sa kanya si Maja. Tinatanong pilit kung nasaan siya.  Hindi na daw magtataka si Jalal kung isang araw ay bigla na lang na lumitaw sa bahay sa Quezon City ang dalaga. Malaki din daw ang posibilidad na pumunta din ito sa condo sa Makati. Pinag iingat ni Jalal si Gerald na dahil para na daw na obsessed si Maja sa kanya.

"Mukhang nasarapan sa halik mo nuong nalasing ka sa Misibis. Ikaw naman kasi bakit ba hinalikan mo yun? Buti na lang sa sobrang kalasingan nung kumukuha ng mga pictures ,.hindi na niya namalayan na may mga na delete sa mga pictures niya."

"Salamat kay Ali." Naiiling na sabi ni Gerald.

"Kumusta naman kayo ni Sars?"

"Sa wakas, unti unti bumabalik na sa dati ang samahan namin. Sana nga lang tuloy tuloy na."

"Kailangan talaga, ayusin mo na yung tungkol kay Maja."

"Yun nga din ang iniisip ko, ang pinag uusapan namin pero mukhang medyo matatagalan pa bago maayos yun. May teleserye pa siya at may movie pa sina Sarah."

"Kahit na paano, nakakatulog ka na sa gabi at hindi ka na laging lasing. Lagi din palang tumatawag si Tita Vangie. Natutuwa siya na nagkausap na kayo ni Sarah. Sana daw makadalaw din kayo sa GenSAn sa mga susunod na araw."

Naalala ni Gerald , hindi pa nga pala niya natatawagan ang mommy niya para ibalita ang tungkol sa pagkakaayos nila uli ni Sarah. Kinuha ang phone at tinawagan na ang ina bago pa niya makalimutan uli.

*****

Sa rehearsal, binabasa nila Sarah at JLC ang script ng spiels nila. Tawa ng tawa ang dalawa.

"Patay , mukhang may magagalit na naman sa akin nito," naiiling na sabi ni JLC.

"Hayaan mo ite text ko na agad sa kanya para makalabas ka dito sa studio ng walang black eye," sagot naman ni Sarah.

"Kailangan ba kasing ganito ang script?"  Kunwari ay reklamo uli nito.

"Duon ka magreklamo sa head writer," sabay turo ni Sarah sa head writer ng show.

"Hay naku, hirap talagang maging artista. The things we have to do para lang sa isang show. Nakakasawa na din no?"

"Ikaw din nagsasawa na?" Gulat na tanong ni Sarah sa kapareha sa movie na kasalukuyan niyang ginagawa.

"Oo naman, lalong lalo na sa mga chismis at intriga na hindi mo alam kung saan nanggagaling. ibig mo bang sabihin nag sasawa ka na rin? Parang hindi kapani paniwala kasi pagkakaalam ko mahal na mahal mo ang trabaho mo.”

“Talagang mahal na mahal ko itong trabaho natin. Ang dami ko kayang utang na loob dito. Saka alam mo iba yung pakiramdam pag nagpe perform ka na on stage. Yung alam mong may napapasaya kang tao although alam mo ding may mga taong naiinis saiyo.”

“Kitang kita naman sa quality ng mga numbers mo dito sa show mo yung dedication ninyo para mapaganda ang show. Siguradong maraming malulungkot ngayong mawawala na ito. Sayang naman kasi. Kailangan ba talagang  matapos na?”

“Oo , isang taon lang naman talaga ang contract namin sa show na ito.Talagang umpisa pa lang , alam ko ng matatapos na ito after a year. May kasunod naman na akong project after this baka same time din. Sana mag guest ka din duon.”

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon