"Napagkasunduan namin ng mommy mo na kumbinsihin kang huwag ng umalis dito sa bahay para kahit na paano ay maaasikaso ka pa rin namin sa ilang bagay. Nasa edad ka na para gawin ang gusto mo at ayaw ko ding dumating sa puntong mag rebelde ka sa amin at basta ka na lang umalis at magsarili ng hindi nag papaalam. Nagpapasalamat kami at ibinigay mo pa rin sa amin ang respeto na magpaalam at makiusap."
"Pinalaki nyo kami ng maayos Daddy, hindi ko naman basta basta yun makakalimutan. Hindi naman ako basta magwawala na dahil lang wala na ako sa poder ninyo. Gusto ko pa ring pangalagaan ang sarili at pangalan ko." Sagot ni Sarah sa daddy niya.
"Alam naman namin yun anak. Napakahirap para sa amin ang hayaan kang basta na lang magsarili. Unti untiin natin pwede?"
"Paano Daddy?"
"Dito ka muna sa bahay, hahayaan ka naming mag desisyon sa mga susunod na mga projects mo. Sa mga production numbers na gusto mong gawin. Hindi na kami makikialam. Sa personal na mga lakad mo, kung gusto mong lumabas just let us know kung lalabas ka para hindi kami nag aalala or maghihintay saiyo. Nag promise ang mommy mo na hindi na rin siya makikialam sa mga desisyon sa mga isusuot mo at kakantahin. Pag kailangan mo opinyon namin , duon lang kami magsasalita."
"Daddy, kaya ba ninyo ni Mommy na gawin yan kung nakikita ninyo ako palagi?" May dudang tanong ni Sarah sa ama.
"Mahihirapan kami anak pero mas mahihirapan kami kung hindi ka namin nakikitang madalas. "
Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ni Sarah. Alam naman niyang hindi magiging madali para sa mga magulang ang hinihiling niyang pagpayag ng mga ito na magsarili na siya. Mahal na mahal niya ang pamilya niya, kahit marami ang humuhusga sa mga magulang niya lalong lalo na sa mommy niya, hindi niya ipagpapalit ang mga ito sa kahit na sino pang magulang. Gusto lang talaga niyang maging independent na. Hindi naman siya lalayong tuluyan sa mga ito kaya nga maayos siyang nakipag usap at nagpaalam yun nga lang nag hysterical na mommy niya agad buti na lang anduon ang ate Cheng niya, ang panganay nilang magkakapatid.
"Sige Daddy, subukan natin pero the moment na hindi sumunod sa deal natin si mommy, hahanap ako ng sarili kong place ha." Finally ay sinabi ni Sarah sa daddy niya.
Niyakap ng daddy niya si Sarah. "Salamat anak." Hinalikan sa noo si Sarah at nagpaalam ng lalabas para sabihin sa mommy niya ang good news.
Naiwan si Sarah na pinapagalitan na naman ang sarili.
Hindi na naman niya natiis ang daddy niya. Basta ito na ang nakipag usap at humiling sa kanya , hindi na siya makatanggi.
"Hay Sarah, kelan ka ba totally makakawala sa anino ng parents mo?"Inaamin niya na mas malaking inpluwensya sa desisyon nyang magsarili ang naging experience niya sa bakasyon niya sa Brazil kasama ang ilang kaibigan. Nainggit siya kay KC Concepcion kung gaano niya nagagawang magdesisyon ng mga bagay bagay na hindi na kailangang tawagan ang mommy or daddy niya. Independent siya at nuong nasa Brazil sila, naranasan niyang maging ordinaryong tao. Walang mga fans na sumisigaw or tumatakbo palapit sa kanya makapagpakuha lang ng picture na kasama siya. Sa Brazil, naglalakad sila ng naka sinelas lang. Nanood ng concert at malayang nag che cheer sa paborito nilang singer na si Madonna.
Naging inspirasyon niya si KC na kung tutuusin ay lumaki sa marangyang kapaligiran. Mega Star ang mommy ni KC at isa sa pinaka sikat na leading men ang daddy niya nung panahon ng mga ito.
Nakita niya kay KC na masarap maging independent. Magkaroon ng sariling desisyon. Gusto niyang maging gaya ni KC, independent .
Mabuti na rin siguro na pagbigyan niya ang hiling ng mga magulang na huwag na munang umalis ng bahay nila. Tama lang na one step at a time.