Chapter 50

6.9K 105 40
                                    

Nauna ng umalis ng ABS CBN si Gerald. Bago umalis ay sinigurado muna niyang kalmado na ang asawa at hindi na ito umiiyak.

"Mauna na ako sweetheart, sigurado ka na bang ok ka na? Gusto ko mang mag stay at samahan ka sa party nyo, alam ko mas maganda na huwag na muna akong makita ng mga hindi pa nakakaalam ng tungkol sa tunay na relationship natin. Siguradong may mga reporters din na pupunta."

"I know, sige mauna ka na, sunod na lang ako as soon as matapos ang farewell party." Dinampian ng halik ang labi ni Gerald.

Nagpaalam din si Gerald sa mga biyenan. May iniabot si Mommy Divine kay Gerald bago siya umalis.

"Ikaw na ang magdala nito. Tawagan nyo kami agad ano man ang resulta, ok?" Bilin ng Mommy ni Sarah kay Gerald.

Napangiti si Gerald. Alam niya agad kung ano ang iniabot sa kanya ng biyenang babae.

"Opo Mommy, sigurado yun. Tawag kami agad sainyo." Tumingin ito kay Daddy Delfin na nasa di kalayuan.

Tinanguan siya nito bilang pag acknowledge sa kanya.

Pasimple ng lumabas si Gerald ng senyasan siya ni Chai na safe ng lumabas ng dressing room. Kung may nakapansin man sa kanya ay mga taong alam na ang tunay na estado nila ni Sarah kaya dedma na lang siya ng mga ito. Tiwala naman siya sa mga staff and crew ng SGL, ang iniiwasan lang talaga niya mga reporters.

Papunta sa party, ni request ni Sarah na sa kanila na kung pwedeng sumabay na sa kanila si Ms Chai, may gusto lang daw siyang pag usapan nila.

"Bakit parang kinakabahan ako sa sasabihin mo?" Tanong ni Ms Chai pag andar pa lang ng sasakyan.

Sila lang ang sakay, nauna na mga magulang ni Sarah sa restaurant para siguraduhing ayos na lahat para sa party.

"Hindi ko alam kung gaano maapektuhan ang mga trabaho ko kung buntis ako," wala ng pa ligoy ligoy na sabi ni Sarah.

"Alam ko naman na marami pa akong commitments pero kung buntis nga ako, gusto ko ng malaman nyo agad na mapipilitan akong magpahinga muna."

Huminga ng malalim si Ms Chai. "Alam na namin na malaki ang posibilidad na buntis ka kaya bago mo pa hiniling na huwag munang tumanggap ng mga bagong projects, ganoon na ginagawa namin."

"Alam na ninyo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sarah sa road manager niya.

"Oo, kaya naman si Boss Vic talagang very busy na these past weeks, ginagawan ng paraan para ma postpone muna yung mga natanguan mo na.

Lalo ng hindi makapaniwala si Sarah. "May hinala na pala kayong buntis ako bakit wala man lang kayong sinasabi sa akin?"

"Para ano pa? Hindi ka ba nagtatakang wala man lang kumontra ng magdesisyon kang makipagbalikan kay Gerald?"

Nag isip si Sarah. Wala nga, lahat ay tinanggap ng walang tanong tanong ang desisyon niya .

"Alam na ninyo? Nahahalata na ninyo? Bakit ako, wala man lang naramdamang pagbabago sa sarili ko? Saka bakit parang hindi naman lumalaki ang tiyan ko? Kung tama ang sinasabi nyong buntis ako, that means more than 3 months na akong buntis!" Hinahabol ang hiningang sabi ni Sarah. "I can't believe this!" Dagdag uli nito.

"Sana nga mali kami kasi may schedule na ang first taping mo ng drama anthology. Sana lang matapos mo ang mga yun bago tuluyang mahalata ang tiyan mo."

"Oh my, I am in big trouble aren't I?" Hindi na malaman ni Sarah ang sasabihin.

"Oh huwag kang mag alala, palagay mo pababayaan ka ni Boss Vic? Hindi ka pababayaan nuon. One step at a time. First kailangan muna nating matiyak na buntis ka nga. We will go from there. Tonight, let's party and thanks all your co workers sa SGL!"

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon