Chapter 54

6.7K 106 25
                                    

"Three months and two days!" Naiiling na ulit Boss Vic ng sabihin nila Sarah ang re3sulta ng ultrasound sa mabait na big boss ng Viva Entertainment.

"Mabuti na lang pala at tapos na ang SGL kung hindi paano ka pa makakagalaw tulad ng dati?" Tumayo ito at lumapit kay Sarah. Pinatayo at pinaikot sa harap niya.

"Sino mag aakalang buntis ka. My goodness, ni walang sign na 3 months ka ng buntis. Normal daw ba?"

"Perfectly normal nga daw po. Sabi po ni Doc, pag nag umpisa daw pong lumaki tuloy tuloy na. Baka daw po magulat ako isang umaga magising na lang ako, malaki na tiyan ko." Nahihiyang sagot ni Sarah sa manager.

"May duda na kaming buntis ka hindi lang namin alam how far, dahil ngahindi naman lumalaki ang tiyan mo."

"Sorry po, alam ko maapektuhan ang mga trabaho ko pag lumaki at nahalata na ang tiyan ko."

"You are in a tricky situation, kayo ni Gerald. May mga dapat kang matapos na projects na hindi makapaghihintay gaya ng Sunsilk at yung movie ninyo ni John Lloyd. May schedule na rin yung taping ng Sarah G Presents. Alam ko kailangan mong mag slow down dahil sa kalagayan mo pero wala tayong choice kung hindi tapusin ang mga yun."

"Wala naman po akong nararamdaman maliban sa minsan parang may gustong gusto akong kainin. Medyo may mga pagkakataon po na emotional ako , ang dali kong masaktan pero aside from that po, normal na normal naman ang pakiramdam ko. May umaga po na tinatamad akong bumangon pero napaglalabanan ko naman po yun. Sa ngayon lampas na nga po yata ako sa paglilihi stage, ni hindi ko namalayan. "

"Swerte namin at hindi ka naglihi. Swerte din ng mga katrabaho mo." Biro ni Boss Vic.

"Mukhang maraming naging karanasan si Boss Vic sa paglilihi ng isang babae ah." Sabad ni Daddy Delfin na nakangiti.

Natawa din si Boss Vic. "Ikaw ba Delfin, hindi ka ba nahirapan ng maglihi si Divina?"

Sasagot sana si Daddy Delfin pero hinampas na siya ng mommy ni Sarah. "Magtigil ka. Mukhang magkukuwento pa eh."

Nangingiti si Sarah na pinagmamasdan ang mga magulang.

"Sana ganyan din kayo ni Gerald , hanggang sa umabot kayo sa edad ng parents mo, parang bagong kasal pa rin. Nakakainggit ang samahan nila di ba? Tahimik lang pero sa mga simpleng moment mapapansin mo yung pagmamahal nila sa isat isa. Yung nakikita mo pa ring natatawa ang mommy mo sa mga simpleng jokes ng daddy mo."

"Sana nga po."

"Ok , lets go back to business, gaya ng nasabi na saiyo ni Chai, mula ng mapag usapan namin ang mga nahahalata namin saiyo, nagpasya kaming huwag munang tatanggap ng mga bagong projects. Yung mga bagong alok saiyo, sinabi ko ng magpapahinga ka muna kaya sa ngayon ay ayaw mo munang tumanggap ng mga bagong assignments.

"Pipilitin ko pong tapusin mga projects na kailangang tapusin. Paano po kaya ang mabuting gawin kung aamin na kami ni Gerald ng tunany na relasyon namin?"

'Handa na ba kayo? Paano na yung tungkol sa kanila ni Maja?"

"Kakausapin daw po niya sa Valentine's Day. Sila po ang magkadate sa araw ng mga puso."

'Payag ka naman duon?|"

"Wala naman po akong choice." Malungkot na sabi ni Sarah.

"Iniisip ko pagkatapos maipalalbas ang movie ninyo ni John Lloyd, palalabasin natin na nagbakasyon ka sa Paris kasama ang iba pang pamilya mo."

"Ang ibig po ninyong sabihin , huwag muna naming ipagtatatapat?"

"Ano kaya kung kausapin natin ang The Buzz, ibibigay natin ang exclusive interview sa kanila o ang Viva na mismo ang mag produce ng isang special tungkol sa lovestory ninyo ni Gerald?"

"Kayo magpro produce ng special show para sa amin ni Gerald?"

"Oo parang documentary ng love story ninyo para maintindihan ng mga fans ninyo ang tunay na nangyari sainyong dalawa. Syempre ma iinterview mga kaibigan ninyo. Dito tell all talaga. May mababanggit na personal, pati family mo magsasalita din. "

Nag isip ng matagal si Sarah, Nakatingin ito sa mga magulang. Naisip si Gerald. Ang mga fans.!

"For sure hindi mo matatapos ang Sarah G Presents, yun na lang ang gagawin natin muna. Habang nagpapahinga ka at lumalaki ang tiyan mo somewhere, ipapalabas natin yun. Yun eh kung papayag si Gerald at ang management niya.

"Teka lang po, uulitin ko lang kung tama ang pagkakarinig ko ha."

"Okiha,go ahead." Anyaya ng manager ni Sarah.

"You are planning to produce a show to tell our story? Our love story?" Tanong ni Sarah sa naka 

ngiting kaharap. Muling tiningnan ang mga mgulang.

"Nuong una, iniisip ko , ibigay sa The Buzz ang exclusive interview pero naisip ko din mas magkakaroon tayo ng control kung tayo .mismo ang gagawa ng special."

"Hindi ko naman po yatang sabihin ang lahat lahat. Marami pong masasaktan at masasagaan. I don't think papayag ang management ni Gerald."

"Hindi naman lahat, syempre pangangalagaan naman natin mga pangalan ng mga taong involved."

Hindi makapagsalita agad si Sarah. Tutuong gusto na niyang ipaalam sa mga fans niyanang tutuong estadonola ni Gerald pero hindi siya handa sa suggesion ni Boss Vic.

"Naguguluhan po ako sa ngayon, mag usap po muna kami ni Gerald."

"Sige pag usapan muna ninyo,nina Mommy at Daddy mo din dahil kasama din sila. Sang ayon pala ako na lumabas ka muna ng bansa pagkatapos ng mga dapat mong tapusin para hindi ka masyadong stress.Tama Mommy mo duon ka muna sa Tita Donna mo. Nakarating na ako sa place nila, tahimik at walang masyadong filipino sa banda nila. Malapit sa hospital, malls, at parks.Kahit araw araw kang maglakad , very rare kang makakita ng makakakilala saiyo."

"Sa Toronto po? Ang dami nga pong Filipinos duon!"

"Hindi naman sa Toronto nakatira ang Tita Donna mo. Yung anak niya ang nasa Toronto,di ba Divina? Si Ralph at Charisse lang ang nasa Toronto, di ba si Donna , outside Toronto nakatira?"

"Oo nga anak , sina Ate Charisse at Kuya Ralph mo ang nasa Toronto, pero habang nanduon ka,pakiki usapan daw niya ang mag asawa na duon muna sila maglagi kinaTita mo, tutal malapit duon ang trabaho ni Kuya Ralph mo."

"Bakit feeling ko, gusto talaga ninyong duon muna ako sa Canada?"

"Oo anak, kung kami ang masusunod, gusto namin duon ka muna."

"Bakit? Kung gagawin natin ang tell all special, bakit kailangan ko pang umalis?" Naguguluhang tanong ni Sarah sa mga magulang at manager.

"Ikaw lang din ang iniisip namin anak, hindi lahat ay positive ang magiging reaction ng pag amin ninyo, maganda na yung malayo ka "

"Ang plano namin, pag tapos ng naipalabas ang movie ninyo ni Lloydie, ituloy muna yung bakasyon sa Paris. Duon ka muna ng ilang linggo then tuloy ka na sa Canada."

"Paano yung mga concerts ko sa US? Baka lalong magalit sa akin ang mga fans kung hindi matuloy yun?" 

"I know pero one thing is sure, hindi muna tuloy ang concert mo sa July." Dagdag pa ni Boss Vic. 

"Sorry po, ang daming  nadamay."

"May mga bagay na nangyayari  , hindi man naitn kagustuhan. Gaya ng nangyari sainyo ni Gerald. Kahit  ilang beses na hinadlangan, kayo pa rin.  Hanggang ngayon may mga sagabal pa rin pero kayo pa rin. Ako , will just go with the flow,You deserve to be happy."

Naiyak na si Sarah. Tumayo ito at lumapit sa manager niya. NIyakap ng mahigpit ."Thank you po, Ninong."

"Alang alang sa magiging apo namin, hindi ka namin pababayaan, You did a lot of things for us, for the company."

Umalis sina Sarah , kasama ang mga magulang sa Viva Office na kahit na paano ay may idea na kung paano ipapaalam sa mga fans ang tunay na estado nila ni Gerald. 

Hind nagkita ang mag asawa that night pero nagkausap sila sa phone. Nagkumustahan sa mga napag usapan sa mga meetings nila. 

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon