"Naku girl, alam ko na kung ano ang gagawin ninyo ni Gerald sa Valentine's Day." Excited na balita ni Chito kay Maja.
"Ano, dali sabihin na agad agad, may date ako ngayon kaya no time sa mahabang chika." Tili naman ni Maja sa kabilang linya.
"Maja, anong date yan? Di ba may usapan na tayo na wala ka munang ibang sasamahan hanggang mainit pa kayo ni Gerald. Anong date date ang sinasabi mo?" Nawala na ang saya sa boses ng handler ni Maja. Napalitan na ito ng pag aalala at konting galit.
"Huwag kang mag alala, wala namang makakaalam. Ang galing ko kayang mag disguised. Walang mangyayari sa akin kung hihintayin ko yang Gerald Anderson na yan. Paano naman ang beauty ko, mahirap namang maburo na lang di ba? I have to have some fun too."
"Maja, alam mo namang pag sinabi ng ating big boss, kailangan masunod. Kahit nga si Gerald , hindi makapiyok, Mamaya hindi lang ikaw ang mapahamak , baka pati ako mawalan ng trabaho dahil hindi kita makayang kontrolin ha." Nag aalala ang boses na paalala ni Chito sa alaga.
"Huwag kang mag alala, if things come to worst, hindi kita pababayaan. Now sabihin mo na kung ano ang good news mo at mamaya andito na ang bisita ko. Don't worry dito lang kami sa unit ko para mas safe."
Sinabi ni Chito ang plano ng management para sa Valentine's Day Date nila ni Gerald. Naglulundag sa tuwa si Maja.
"Napaka bongga naman ng date namin pero sana dinner na lang, mas intimate."
"Fully book na kasi ang dinner kaya lunch na lang kaya ikaw na rin ang bahala kung paano mo magagawang ma extend hanggang dinner ang date ninyo."
"Hmmmm, maganda ngang idea yan. Thank you! pag may naisip kang idea para ma extend hanggang dinner or hanggang the next day pa ang date, let me know. May bonus ka from me pag nagawa mong hanggang the next day ay magkasama kami."Nanunuksong sabi ni Maja sa handler niya.
"Gusto ko yan pero knowing you mas marami kang idea kaya ikaw na bahala. May sarili din akong date that day kaya kahit na tempting ang offer mo, hindi na kita papatulan. Basta ingat ka diyan sa bagong date mo ha. Kilala ko ba?"
"Kilalalng kilala mo, paglalaruan ko lang. May nabalitaan kasi ako , gusto ko lang din makuha ang details baka sakaling magamit ko para hindi ako matalo sa pustahan natin."
"Ayyy girl , you are very mean." Tili ni Chito.
"Sa buhay dito sa showbiz, matira ang matibay di ba? Nandito na siya, I have to go."
"Sino ba yan girl"
"Si Rayver lang naman. Nangingiting sagot ni Maja, sabay bukas ng pinto. Hello Ray, bye Chito." Hinila na ni Maja si Ray papasok sa unit niya.
Nangiti si Chito ng wala na siyang narinig sa kabilang linya. Kawawang Ray, hindi nakawala sa kamandag ng Maja style. Nasabi na lang nito sa sarili. Nag isip kung ano ba gustong malaman ni Maja from Rayver. Napahagalpak ito ng tawa ng maalala na may bali balita nga pala nuon na niligawan lang daw ni Gerald si Sarah dahil sa pustahan nila ni Rayver. You are really one of a kind Maja Girl!!
*****
“Nasaan yung iba? Akala ko ba sabi mo may konting get together? Nasaan sina Gerald? Andito na ba sila?” Sunod sunod na tanong ni Rayver pagkapasok niya sa condo ni Maja. Kinabahan ang binata ng makitang siya lang nanduon na bisita ni Maja.
“Nag decide ako na huwag na lang mag imbita ng iba pa. Mas maganda kung ikaw lang ang bisita ko di ba? Mas makakapag bonding tayo.” Sabay hila kay Rayver para umupo.
“Ahhh kaya lang naman ako pumunta dito kasi sabi mo andito ang barkada.” Lalo ng kinabahan si Rayver.
Nahalata ni Maja na kinakabahan si Rayver. Nagdecide siyang mag iba ng tactic. Gagawin na lang niyang Plan B ang original plan niya.