Chapter 8

8.4K 78 25
                                    

Pagsakay pa lang ni Sarah sa sasakyan , alam na ni Kuya Don ang nangyari.

"Uwi na tayo Kuya. Salamat sa mga payo mo , kahit paano naging maayos na rin ang paghihiwalay namin." Malungkot na sabi ni Sarah .

"So, inamin niyang tutuo yung tungkol sa kanila ni Maja?"

"Hindi direkta Kuya, nag sorry lang siya pero hindi niya ipinagkaila. Sapat na yun. Hindi na niya kailangang diretsahang aminin. "

"Ano napagkasunduan ninyo?'

"Tuluyan na kaming magkakanya kanya. Kung nuon walang formal na hiwalayan, ngayon formal na talaga."

"Sana lang ay makayanan ninyong dalawa." Nasabi na lang ng butihing driver ni Sarah.

*****

Matagal ng nakaalis si Sarah ay hindi pa rin makatayo sa kinauupuan si Gerald. Nakaupo pa rin ito sa gilid ng kama, Pinipilit pakalmahin ang sarili.

Napatingin ito sa phone niya nakapatong sa bed ng mag buzz ito for incoming text.

"Sana huwag mo munang dalhin si Maja diyan sa condo hanggang andiyan pa mga gamit ko. Ipapakuha ko bukas na bukas din kay Kuya Don lahat ng gamit ko."

"This place is ours, it will remain as ours. I will keep this place to keep me sane. I will always love you and please , huwag mo ng ipakuha mga gamit mo, let it remain here.Gusto kong isipin na isang araw, babalik ka uli sa buhay ko."

Hindi na sinagot ni Sarah ang text ni Gerald. Hahayaan na muna niya ang kagustuhan nito.

Pagdating sa bahay ay tuloy tuloy ng nag shower ang dalaga. Sa shower ay hinayaan niyang tumulo ng tumulo ang luha niya. Bukas paggising niya, talagang umpisa na ng bagong taon, bagong buhay para sa kanya. Kakayanin niya sa tulong na rin ng mga kaibigan at pamilya at mga taong nagmamalasakit sa kanya. Bukas sa Cebu, ipapakita niya sa buong mundo na masaya siya at hindi apektado ng mga balita tungkol sa lalaking pinakamamahal niya at ng babaeng isa sa pinakamalapit niyang kaibigan.

Paglabas niya ng banyo ay inabutan niyang panay buzz ang phone niya.

Daming messages, galing sa mga kaibigan niya. Nangiti naman ang dalaga sa over flowing na pagmamahal ng mga kaibigan.

Sinagot niya isa isa mga text messages ng mga kaibigan, Sinabi niyang ok lang siya. Huwag silang mag aalala.

"Naku Sars, grabe ang galit ng mga fans sa kanya. Pati mga fans ni Kim , galit sa kanya. Naaawa nga ako hindi makain mga sinasabi tungkol sa kanya." Text ni Shin.

"Hey Sars, just wondering how you doing? Can I call you?" Galing naman kay Sam

"If you want to talk , just a phone away , love you." Galing naman kay KC.

"Andito lang ang barkada kung gusto mong lumabas." Galing kay Mark.

"I don't know what to say but I want to know how you feel, it's crazy." From Matteo naman.

Nagpasalamat si Sarah kay Papa God na kahit may isa siyang kaibigan na mukhang hindi nagpahalaga sa pagkakaibigan nila, marami naman siyang mga tunay na kaibigan. Pinagdasal din niya na sana malagpasan ni Gerald ang intriga ng maayos at hindi naman maapektuhan ang career nito. Sayang naman ang nasimulan na nito kung matutulad siya sa nangyari sa career ni Rayver.

Nakabalik na galing sa isang matagumpay na concert sa Cebu si Sarah ay mainit pa ring pinag uusapan ang tungkol kina Maja at Gerald. Iniwasan naman ni Sarah na magpa interview pa about them . Pinangako niya yun sa sarili.

Ang mga fans ang galit na galit kina Gerald at Maja.

Bilang pag galang na rin sa damdamin ni Sarah, wala ng bumanggit sa pangalan ng dalawa sa bahay nila. Hindi na lang nila pinag usapan. Ganoon din ginawa ng mga taga Viva.

*****

Hindi malaman ng mga namamahala sa career ng dalawa ang gagawin. Hindi lang mga fans ang nawalan ng respeto o nagpahiwatig ng pagka dismaya, maging ilang artista hindi na hindi kilalang malapit kay Sarah.

In all of these , nanatiling tahimik si Gerald. Si Maja naman ay sinabing magkaibigan lang sila ni Gerald sa unang statement niya. Nung mas marami ng pictures ang lumabas ay sinabi niyang si Gerald ang tanungin. Mas maganda daw na sa kanya manggaling.

Si Gerald naman ay naglalagi sa condo sa Makati. Wala pang masyadong nakakaalam na may condo siya duon kaya nagawa niyang makaiwas sa mga reporters ng mga unang araw.

Mas lalo siyang na frustrate dahil nag iba na ng number si Sarah. Hindi na niya ito matawagan or makapag send ng text.

Sinubukan niyang mag email pero walang reply. Hindi din alam ng mga kaibigan niya ang gagawin at sasabihin. Hindi nila ini expect na magiging ganoon katindi ang galit ng mga fans. Nakalimutan yata nila ang sinabi nuon ni Kris Aquino, "pag sinaktan mo ang isang Sarah Geronimo, buong Pilipinas kalaban mo."

Maging ang handler niyang si Nhila ay hindi alam ang gagawin to control the damage. Nagpatawag na rin ng meeting ang management na kaharap sina Gerald at Maja.

******

"Hi Sars, dito ka sa bahay mag dinner ha. Bonding tayo , invite ko si Sam at sina Ate Juday at Kuya Ryan, kasama mga kids." Masayang bati ni KC sa phone.

"Tamang tama, iniisip ko pa lang kayo, kung kelan ko uli kayo makikita. Parang nabasa mo iniisip ko ah. Anong oras? May rehearsal pa ako pero pa tapos na. Pahatid na lang ako diyan kay Kuya Don."

"Kung gusto mo sundin ka na lang ni Sam. Papunta na siya diyan , may dadaanan yata sa studio o may gusto lang makita." Nanunukso ang boses ni KC.

"Ikaw talaga." Nangingiti si Sarah, alam niya na gustong gusto ni KC si Sam para sa kanya ganoon din sina Juday at Ryan, maging ang mommy ni KC na si Sharon Cuneta, malapit ang loob kay Sam.

"It's up to you, alam ko papunta na siya diyan."

"Oo na sabay na kaming pupunta, sarapan mo luto."

"Naku, sarap na naman ng ngiti ng best friend ko niyan." Tuwang tuwang sabi ni KC.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon